Ang TV5 Vibe jocks na sina Elijah Canlas, Joao Constancia, Dylan Menor, Ana Ramsey, Maxie Andreison, Ryle Santiago, Paulo Angeles, Kych Minemoto, at Queenay Mercado ang mga host ng 38th Awit Awards na magaganap sa Meralco Theater, Ortigas Avenue, Pasig City, sa Nobyembre 16, 2025.
Makakasama ng Vibe jocks sa paghahatid ng mga kaganapan sa 38th Awit Awards ang Gen V correspondents na sina Niko Badayos, Baileys Acot, Selina Griffin, Carmela Lorzano, Adam Buck, at Gab Pascual.
Kabilang naman si Dionela, ang Ben&Ben, Lola Amour, at Over October sa mga magtatanghal sa gabi ng parangal.
Lima ang mga pangunahing kategorya na pararangalan sa 38th Awit Awards— Performance Awards, Genre Recording Awards, Special Recording Awards, Technical Achievement Awards, at ang prestigious Grand Awards.
Read: Leni Robredo's daughter Tricia announces engagement
VIOLET CARPET AT 38TH AWIT AWARDS
Ilulunsad sa gabi ng 38th Awit Awards ang Violet Carpet, ang pre-show experience para lalong mapalapit ang mga tagahanga sa kanilang hinahangaan na OPM artists.
Magaganap sa Violet Carpet ang pagtatagpo at pagbabahagi ng mga kuwento ng manonood at ng mga imbitadong artists tungkol sa pagdiriwang sa musikang Pilipino.
Bago maganap ang 38th Awit Awards, nagkaroon ng campus tour ang Vibe jocks at ang Gen V correspondents sa Lyceum University of the Philippines, Emilio Aguinaldo University, at National University para makipag-ugnayan at ipakilala sa mga mag-aaral ang nabanggit na award-giving body.
Ikinatuwa ng mga estudyante ang Campus Tour dahil nabigyan sila ng pagkakataong makasalamuha ang Vibe jocks, Gen V correspondents, at ang ilan sa mga nominado sa 38th Awit Awards — ang Sugarcane, Letters from June, at ang OPM artists na sina LEYO at Eliza Maturan.
Kinikilala ang kredibilidad at integridad ng Awit Awards ng Philippine Association of Record Industry (PARI) sa pagbibigay ng parangal sa mga karapat-dapat na personalidad sa industriya ng musikang Pilipino.
Nagsanib-puwersa sila ng MQuest Ventures para sa selebrasyon ng Original Pilipino Music.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica