PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Pacquiao, pumirma na sa Sparkle ng GMA Network

Eman Pacquiao, bukas tumanggap ng product endorsements.
by Jojo Gabinete
Published Nov 14, 2025
eman bacosa pacquiao
Eman Bacosa Pacquiao, son of boxing legend Manny Pacquiao, has signed with GMA Network’s Sparkle, marking his official entry into the showbiz industry.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao Facebook

Si Eman Bacosa Pacquiao ang bagong contract star ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network, kaya asahang mapapanood siya sa mga programa ng Kapuso Network.

Nang makausap ng Cabinet Files si Eman, kinumpirma nitong talent na siya ng Sparkle at ito ang nag-aayos ng kanyang TV guestings.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Eman noong Nobyembre 4, 2025, sinabi niyang bukas siya sa posibilidad na pumasok sa showbiz kung may mga oportunidad na darating pero nakatuon ang kanyang atensiyon sa boxing.

Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny

Mula 200,000 Facebook followers, lumampas na sa kalahating milyon ang bilang ng mga tagasubaybay ni Eman sa nabanggit na social media platform — isang matibay na ebidensiya ng patuloy na pagtaas ng kanyang tinatamasang popularidad.

Hindi imposibleng magkaroon ng mga alok na product endorsements kay Eman dahil sa kasikatan niya sa kasalukuyan at sa kanyang maganda at positibong imahe sa paningin ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas din si Eman sa posibilidad na tumanggap ng product endorsement.

Pero ayon sa kanya, “Basta po aligned sa values ko and kung naniniwala ako dun sa produkto. Huwag lang po sugal or kahit anong negative na bagay.”

Labag daw kasi ito sa kanyang pananampalataya bilang Kristiyano.

Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2

EMAN BACOSA'S FAMILY

Si Eman, 21, ang artistahing anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at sinusundan niya ang yapak ng kanyang ama sa boksing.

Iniaalay ni Eman ang lahat ng mga tagumpay nito sa boksing sa kanyang inang si Joanna Rose Bacosa, sa mga kapatid niya, at stepfather na si Sultan Ramir Dino.

eman bacosa family
EMAN BACOSA'S FAMILY: (Left) Eman with stepfather Sultan Ramir Dino and biological father Manny Pacquiao; (right) Eman with his mother Joanna Bacosa, stepfather, and his siblings.
Photo/s: Eman bacosa Pacquiao
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas na nagbibigay-pugay si Eman sa pamilya nito sa pamamagitan ng kanyang mga Facebook post gaya ng mga sumusunod:

“They know my flaws but still continue to love me anyway. We are family.”

“Family is Love!!! I love them all. Love one another. Jesus loves everyone. No Hate Just Love”

Nagpo-post din siya ng mga Bible verse tungkol sa paggalang sa ama at ina.

Read: Eman Bacosa, nag-react sa bansag sa kanyang "Piolo Pacquiao"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eman Bacosa Pacquiao, son of boxing legend Manny Pacquiao, has signed with GMA Network’s Sparkle, marking his official entry into the showbiz industry.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results