Ang pag-amin ni AJ Raval na tatlo na ang anak nila ni Aljur Abrenica ang nagbigay ng kalayaan sa kanya at sa kanilang mga anak.
Tatlong taong inilihim at tahasang itinanggi nina AJ at Aljur ang pagkakaroon nila ng mga anak, at tanging sila lamang ang nakakaalam sa tunay na rason.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
Malaki ang kontribusyon ni Jeric Raval sa pasya ng anak na si AJ na aminin ang katotohanan.
Sa sariling salita ng action star: “Wala naman masama saka kawawa yung mga bata kung itinatago.
"Okay na yung sabihin lahat. Wala naman dapat ikatakot.
"So, kung tuloy mong ide-deny yan, lilitaw lang na sinungaling saka kawawa naman yung mga bata.”
Read: Jeric Raval supports daughter AJ's decision to finally reveal the truth
Nakahinga nang maluwag, nawala ang nararamdamang kaba, at umaliwalas ang mukha ni AJ matapos niyang amining nanay na siya ng limang bata at tatlo rito ang mga anak nila ni Aljur.
Para sa isang nanay na kagaya ni AJ, isang kaligayahan na mahirap mapantayan ang maipakita sa publiko at ipasyal ang kanilang mga anak — na tatlong taong itinago at itinanggi kahit masakit at labag sa kanyang kalooban.
COCO MARTIN AND JULIA MONTES
Tulad nina AJ at Aljur, usap-usapang tatlo na rin ang anak nina Coco Martin at Julia Montes.
Ang pagkakaiba lang, hindi itinatanggi nina Coco at Julia ang pagkakaroon ng mga anak na nais nilang protektahan ang pribadong buhay ng mga ito.
Hindi inililihim nina Coco at Julia sa malalapit na kaibigan nila ang mga batang biyaya sa kanila ng Panginoong Diyos.
Pero dahil mga kilala silang personalidad, interesado ang publiko na makita ang kanilang mga anak.
Mangyayari lamang ito kapag ginusto nila.
At kapag dumating ang panahong magdesisyon ang dalawa na ipakilala ang kanilang mga anak, tiyak na makakamit din nila ang kaligayahan at kalayaang nararamdaman ngayon nina AJ at Aljur.