Naririto sa Pilipinas ngayon ang Hollywood actor na si George Clooney at ang kanyang asawa, ang human rights lawyer na si Amal Clooney.
Dadalo at magsasalita ang mag-asawa sa Social Good Summit 2025 na magaganap sa Lanson Place, MOA, Pasay City, sa Nobyembre 16, 2025.
Sina George at Amal ang co-founders ng Clooney Foundation for Justice.
Tatalakayin nila sa Social Good Summit ang mga pandaigdig na hamon para sa malayang pamamahayag at karapatang sibil.
Bumisita sina George at Amal sa Malacañang Palace ngayong Biyernes, Nobyembre 14, para sa kanilang courtesy call sa Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. at sa asawa nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
ZALDY CO'S BIG REVELATION
Naging makasaysayan ang pakikipagkita nina George at Amal sa Pangulo ng Pilipinas ngayong Biyernes dahil ito ang araw na isiniwalat ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy "Zaldy" Co na may kinalaman umano si Marcos sa anomalya tungkol sa national budget para sa 2025.
Tiyak na malalaman ng mag-asawang Clooney ang rebelasyon ni Co dahil ito ang mainit na usapin nang dumalaw sila sa Malacañang Palace.
Ginulat ni Co ang marami dahil sa kanyang videotaped testimony na ipinadala sa mga reporter at inilagay niya sa kanyang official Facebook page.
Bahagi ng kanyang pahayag: "Tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at ni-report ko ang instructions ng Presidente to insert the PHP100 billion projects. At sinabi niya [Romualdez] sa akin, what the President wants, he gets.”
Sinabi rin ni Co ang pagbabanta umano sa kanyang buhay.
Saad ng dating kongresista: "Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako. That he will shoot me if I will talk.
"Gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon."
Read: Zaldy Co tags President Marcos, former Speaker Romualdez in alleged P100-B budget "insertions"
Ang maparusahan ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan, mga contractor, at mga mambabatas na sangkot sa bilyun-bilyong piso na halaga ng anomalya sa infrastructure at flood control projects ang panawagan ng maraming Pilipino na naghahanap ng hustisya.
Parang sinadyang naririto sa Pilipinas sina George at Amal nang sumambulat ang akusasyon ni Co na may kaugnayan si President Marcos sa 100-billion-peso insertions sa national budget.
Bilang mga co-founder ng Clooney Foundation for Justice, maaaring makatulong ito at ang impluwensiya nina George at Amal para matulungan ang mga Pilipinong nawawalan na ng pag-asang mapananagot ang mga sangkot sa paglustay ng kaban ng bayan at malawakang korapsyon sa bansa.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead