PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anti-corruption rally ng Iglesia Ni Cristo, umabot ng 45,000 katao

Mahigpit ang seguridad ngayon sa Manila dahil sa rally sa Quirino Grand Stand.
by Jojo Gabinete
Published Nov 16, 2025
INC hold protest at Quirino Grandstand over flood control anomaly
As of 1 P.M., may 45,000 participants na ang rally ng Iglesia Ni Cristo na ang apela ay tutukan ng pamahalaan ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
PHOTO/S: MMDRMO via GMA News

Ngayong Linggo, Nobyembre 16, 2025, ang unang araw ng tatlong araw na "Rally for Transparency and a Better Democracy" ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Manila.

Kasabay ng tatlong araw na rally sa Quirino Grandstand ang pagtitipon-tipon sa People Power Monument sa Edsa, Quezon City na pinangunahan ng United People’s Initiative (UPI), grupo ng retired military officers. Bukas din ang mga naturang rally sa ibang grupong gustong makilahok.

Ang protesta ay may kinalaman sa malawakang korapsyon kaugnay ng flood control projects.

As of 1PM, inulat ng Manila City Government na mayroon nang 45,000 participants sa rally sa Manila.

Mino-monitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rally, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez.

Isang residente ng San Miguel, Manila ang nakausap ng Cabinet Files ngayong Linggo.

Sakop ng San Miguel ang Malacañang Palace.

MANILA RESIDENT'S OBSERVATIONS

Ayon sa source, naghigpit na ang seguridad sa kanilang lugar mula pa kahapon, Sabado, Nobyembre 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, napalilibutan na ng mga pulis, fire trucks, barbed wires, at container vans ang lugar nila.

Tanging ang Nagtahan Gate na lamang ang bukas dahil sarado na ang mga access road sa Mendiola, General Solano at Ayala Bridge.

"Ang daming mga sundalo at pulis. Parang mga bago nga yung mga ginagamit nila na pangharang sa barikada. Mga bagong pintura, e.

"Puwede naman kaming maglabas-masok dahil meron kaming car pass at barangay ID na patunay na doon kami nakatira.

"Bawal din pumasok sa lugar namin ang Grab.

"Hanggang sa Nagtahan Gate lang sila. Puwede naman kaming tumanggap ng bisita basta may ID sila,” ang kuwento ng Cabinet Files source.

Malapit sa Pasig River ang bahay ng source, at natatanaw mula rito ang Bahay Pangulo, ang official residence ng pamilya Marcos.

"Kapag tumatakas ang mga Presidente nakikita namin. Tumatawid sila sa Pasig River tulad nang umalis si President Erap sa Malacañang noong April 2001.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magkaiba kasi ang Malacañang Palace sa Malacañang Residence na kailangang tumawid sa Pasig River para makarating.

"May naka-standby doon na bangka. Dun yung bahay na ipina-renovate ni First Lady Liza Marcos."

Komento ng source patungkol sa Bahay Pangulo: "Ang laki ng bahay. Gastos ng bayan yon, e.

"Nakikita namin sila kapag nag-e-exercise. Ang daming naghihirap, sila nagpapasarap sa buhay.

Ang Bahay Pangulo ay dating Bahay Pangarap ang pangalan at ipinaayos ni First Lady Liza Marcos.

ZALDO CO'S CLAIMS

Lalong pinatindi ang seguridad sa paligid ng palasyo mula nang isiwalat ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co noong Biyernes, Nobyembre 14.

Diumano, may kinalaman si Pangulong Marcos at ang pinsan nito na si former House Speaker Martin Romualdez sa PHP100 billion insertions sa panukalang national budget para sa 2025.

Dahil dito, sumiklab nang husto ang galit ng mga Pilipino sa mga personalidad na sangkot sa korapsyon at anomalya sa mga proyekto sa flood control.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, nag-post si Co sa Facebook ng video ng mga maletang pinaglagyan diumano ng mga perang pinadala kina Pangulong Marcos at Romualdez.

Ngayong Linggo, November 16, may balik-sagot si Palace Press Officer Claire Castro kay Co.

“Kung ipapakita ba sa iyo yang mga maleta na iyan. Nagpo-prove na iyan ng pera? Wala. Maleta lang," ani Castro sa panayam ng DZMM Teleradyo, base sa ulat ng ABS-CBN News Online.

Dagdag niya, “Anong na-prove niyan? Wala. Paninira. Gawa-gawang kwento."

Kinuwestiyon din ni Castro ang aniya'y hindi tugmang naratibo ni Co.

Sinasabi ni Co na ang mga dineliver niyang pera ay nangyari mula Enero-May 2025.

"Paano ka pa makakapag-deliver kung as early as January 13, wala ka na sa position bilang Appropriations Committee chair? Wala kang power.

"Dun pa lang sa timeline, sa pinapakitang ebidensiya, hindi nagtutugma-tugma."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As of 1 P.M., may 45,000 participants na ang rally ng Iglesia Ni Cristo na ang apela ay tutukan ng pamahalaan ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
PHOTO/S: MMDRMO via GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results