Ang malalagkit na titig ni Angela Muji, 22, kay Rabin Angeles, 21, sa tuwing nagsasalita ito ang napapansin sa tuwing magkasama sila.
Kaya nagkaroon ng mga haka-hakang posibleng nahuhulog na ang loob ni Angela sa kanyang loveteam.
Hindi kinontra ni Angela ang obserbasyon sa kanya.
Sa panayam ng Cabinet Files, pahayag ng young actress, "Parang hindi ko naman maitatanggi na talagang nakakahulog [ng loob] si Rabin. Rabin has this aura na parang you’re safe with him."
Inamin din ni Angela na overthinker siya kaya kahit walang dapat pagselosan, selosa raw siya at matindi ang attachment kay Rabin.
"Sobra po. Sa totoo lang, nalulungkot po ako kapag hindi kami masyadong nagkikita. Parang ang boring ng buhay ko."
Read: Rabin Angeles, walang party sa kanyang 21st birthday
ANGELA MUJIN'S FEELINGS FOR RABIN ANGELES
Mahirap ba na magpigil ng damdamin?
"Sa totoo lang po, opo. Kapag nagtatampo ako, nagtatampo ako. Kapag kinikilig ako, kinikilig ako. Hindi ko siya itina-try itago.
"I think everything he does kahit simple lang, kinikilig ako. I don’t think it’s the action. I think it’s just you."
Ano ang real score sa pagitan nila?
"Wala pa naman kaming label," sagot ni Angela.
"Basta honest lang kami sa nararamdaman namin sa isa’t isa. Yun ang label namin, happy lang. Hindi M.U., happy lang."
Handa raw siyang magsabi kay Rabin ng “I love you” kapag siguradung-sigurado na siya sa kanyang nararamdaman.
Read: Rabin Angeles, Angela Muji todo ang workshop for A Werewolf Boy
ON WOMEN MAKING THE FIRST MOVE
Dahil sa pag-aming nagugustuhan na niya si Rabin, hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ni Angela tungkol sa mga babae na nanliligaw sa mga lalake na napupusuan nila.
"I think modern naman na po tayo. Kung conservative ka and traditional, I think it’s a no.
"Pero growing up kasi, parang laging itinuturo sa akin ng mom ko, ‘If you want it, go for it.’
"Kahit hindi siya conventional, walang problema sa akin. I think progressive nga na women are courting guys," ang walang pretensyong pahayag ni Angela.
Nakilala nang husto ni Angela ang ugali ni Rabin sa lock-in shooting nila sa Taal, Batangas para sa A Werewolf Boy, ang launching movie ng kanilang loveteam.
Nakita at napatunayan ni Angela ang likas na kabutihan ng ugali ni Rabin kaya lalong napalapit siya sa kanyang kapareha sa pelikula.