Ang Viva Entertainment chief executive officer at chairman na si Vic del Rosario Jr. ang tumanggap ng Lifetime Achievement Award sa 38th Awit Awards ng Philippine Association of Record Industry (PARI) noong Linggo, Nobyembre 16, 2025.
Kinilala si Boss Vic dahil sa kanyang malaki at hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng musika sa Pilipinas.
Kasama ang kanyang mga anak, dumalo si Boss Vic sa 38th Awit Awards, na malapit sa puso niya dahil ang mga kasamahan sa PARI ang nagbigay ng parangal sa kanya.
Si Regine Velasquez at ang Viva Records star na si Rob Deniel ang mga nagtanghal at nag-alay ng kanta bago tinawag ang pangalan ni Boss Vic bilang recipient ng Lifetime Achievement Award ng PARI.
Read: 38th Awit Awards: Ben&Ben, Lola Amour, Cup of Joe are big winners
View this post on Instagram
BOSS VIC DEL ROSARIO RECALLS HUMBLE BEGINNINGS
Sa kanyang talumpati, binalikan ni Boss Vic ang nakaraan—ang taon na itinatag nila ng kanyang pinsan niyang si Orly Ilacad ang Vicor Music na nanggaling ang pangalan mula sa kanilang pinagsamang pangalan.
Saad ni Boss Vic: “Maraming salamat sa inyong lahat. Matagal na ako sa entertainment industry.
"Marami na akong na-receive na award, pero ngayon ako pinakamasaya dahil nanggaling sa mga kasama ko sa industriya.
“Alam naman ninyong lahat nagsimula ako sa music business. Nagsimula kami noong 1965 nung niyaya ako ng pinsan kong si Orly Ilacad na pumasok sa record business.
“Dalawang libong piso ang puhunan ko, dalawang libo rin ang puhunan niya.
"Ninety-five percent ng music ay all foreign. Limang porsyento lang ang lokal.
“Kanina papunta ako dito, tiningnan ko yung Spotify Top 50 Philippines, 70 percent OPM na."
Pinasalamatan ni Boss Vic ang artists na nakatrabaho niya mula noon hanggang ngayon.
“So, maraming-maraming salamat. Congratulations to all the artists ngayon at even yung mga dati na.
"Yung unang simula namin from Victor Wood to Pilita Corrales to the present. Of course to Regine [Velasquez], Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Tito Sotto, VST, Basil Valdez, Rico Puno... lahat sila, congratulations,”
Nagpasalamat din si Boss Vic kay TV5 Chair Manny V. Pangilinan dahil sa malaking suporta nito sa Original Pilipino Music (OPM).
“Maraming salamat, MVP. My classmate from grade school to high school. Salamat sa suporta.
"Akala ko dati, mag-isa lang akong tatangkilik ng OPM. Ngayon, dalawa na kami ni Manny Pangilinan.
"So thank you. Salamat sa PARI. Mabuhay ang OPM!” bulalas ni Boss Vic.
Read: Dionela, kontrobersiyal ang speech sa 38th Awit Awards