PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Grand International 2021, hinatulan ng two-year imprisonment

Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien, guilty sa kasong fraud.
by Jojo Gabinete
Published Nov 19, 2025
miss grand international 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien
Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien (in photo), along with two social media influencers, was found guilty of fraud for promoting a counterfeit fiber supplement. The court sentenced all three to two years in prison.
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook

Dalawang taong pagkakakulong ang hatol kay Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien ng korte sa Hanoi, Vietnam, ngayong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025.

Ito ay dahil sa pagpo-promote ng Vietnamese beauty queen sa kanyang social media channels ng Kera Supergreens Gummis na mayaman umano sa fiber.

Kasama niyang nahatulang guilty sa kasong fraud ang social media influencers na sina Pham Quang Linh at Hang Du Muc.

miss grand international 2021
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelica Panganiban reveals agreement with husband about her showbiz comeback

Napatunayan ng korte na alam ng tatlo na 0.935 percent lamang ang fiber content ng gummy candies na kanilang ipinu-promote na malinaw na panlilinlang sa mga tao.

Unang dinakip si Tien dahil sa kasong fraud noong Mayo 2025.

Makalipas ang anim na buwan, tumanggap siya at ang kanyang mga kasama ng parusang dalawang taong pagkakabilanggo.

Sinabi ng korte na sadyang ginawa ng mga akusado ang paglabag para magkaroon ng malaking halaga ng pera mula sa ilegal na paraan kaya nararapat lamang sa kanila ang mahigpit na parusa.

THE TRUTH ABOUT Nguyen Thuc Thuy Tien's GUMMY CANDIES

Sa pagsisiyasat ng mga imbestigador, natuklasang gumagamit ang gummy candies ng 30% sorbitol, isang artificial sweetener na may epekto sa digestive system.

Noong Disyembre 2024, ipinakilala ni Tien ang gummy candy na iniendorso nila na may katumbas umanong isang plato ng gulay.

Tatlumpong porsyento ang bahagi ni Tien mula sa kompanyang itinatag nila ng kanyang mga kasosyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahigit sa 129,000 na pakete ng gummy candies, na nagkakahalaga ng US$650,000, ang naibenta ng mga akusado sa halos 56,000 customers.

Ibig sabihin, kumita sila ng US$473,000.

Nakilala at sumikat si Tien sa Vietnam nang mapanalunan niya ang korona at titulong Miss Grand International 2021 sa Bangkok, Thailand.

Si Samantha Panlilio ang kinatawan ng Pilipinas sa patimpalak-kagandahan sa Thailand na nilahukan nila ni Tien.

Read: Nic Chien, sumailalim sa breast removal surgery

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien (in photo), along with two social media influencers, was found guilty of fraud for promoting a counterfeit fiber supplement. The court sentenced all three to two years in prison.
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results