Hindi na nawalan ng kontrobersiya ang Miss Universe 2025 mula nang mag-walk out noong Nobyembre 4, 2025 ang ilang mga kandidata at si Miss Universe 2024 Victoria Kjaer Theilvig.
Ito ay bilang pakikisimpatiya kay Miss Universe Mexico Fatima Bosch dahil hindi nila nagustuhan ang lantarang pamamahiya na ginawa ni Nawat Itsaragrisil, ang national director ng Miss Universe Thailand at executive director ng Miss Universe Organization (MUO).
Inihingi ni Nawat ng paumanhin ang kanyang inasal pero hindi rito natapos ang mga isyu.
Read: Is Miss Mexico still joining after tension in Miss Universe?
MISS UNIVERSE 2025 JUDGES RESIGN
Tatlong araw bago idaos ang Miss Universe 2025 sa Biyernes, Nobyembre 21, dalawang hurado ang nagbitiw sa puwesto dahil sa kanilang paratang na may nangyaring pandaraya sa paraan ng pagpili sa mga finalist.
Mga miyembro ng Selection Committee ng 74th Miss Universe ang Lebanese-French musician na si Omar Harfouch at ang French football player na si Claude Makélélé.
Inanunsiyo ni Harfouch sa Instagram account nito na nagbitiw siya sa kanyang tungkulin dahil nakapili na umano ng mga finalist ang "impromptu jury" bago pa man maganap ang gabi ng koronasyon.
View this post on Instagram
Samantala, hindi inaasahang personal na dahilan ang ibinigay ni Makélélé na katuwiran.
"Regretfully, I will not be attending Miss Universe 2025. Thank you for your understanding and support," maiksing pahayag ni Makélélé.
Dalawang araw bago idaos ang Miss Universe 2025 Finals, nagbitiw rin si Princess Camilla di Borbone bilang presidente ng Miss Universe 2025 Selection Committee.
Hindi pa siya nagpapaliwanag tungkol sa rason ng kanyang desisyon.
Read: Nawat Itsaragrisil apologizes after calling Miss Mexico "dumb"
LOUIE HEREDIA ACCUSED OF FAVORITISM
Hindi rin nakaligtas sa kontrobersiya ang Filipino singer na si Louie Heredia, isa sa mga miyembro ng Selection Committee ng Miss Universe 2025.
Tumatanggap ng matitinding batikos ngayon si Louie mula sa masusugid na Latino beauty pageant fans.
Inaakusahan si Louie ng “favoritism” dahil sa pagiging Pilipino at kaibigan ng Philippine candidate na si Ahtisa Manalo.

Hindi pa nagsasalita si Louie tungkol sa online bashing na natatanggap, pero sa panayam ng Cabinet Files bago naganap ang kanyang closed-door interview sa mga kandidata noong Nobyembre 15, sinabi niya: “We were told by MUO to have no biases, and that's exactly what I'm going to do.
"They entrusted me to be part of the Selection Committee this year, so I should definitely not break that trust.
“Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo is my friend, but I am sure she will understand my position.
"I have not spoken to her since her birthday dinner many months back, but of course, I wish her all the best.”
Read: Miss Jamaica, nahulog sa stage sa Miss Universe 2025 prelims