PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality hindi totoong kusa ang pag-alis sa TV network

Showbiz personality, pareho ng konsepto ang tinaggap na proyekto.
by Jojo Gabinete
Published Nov 20, 2025
blind item showbiz personality
PHOTO/S: Canva

Hindi na ni-renew ng pamunuan ng TV network ang kontrata ng isang showbiz personality kaya walang katotohanan ang balitang sariling desisyon niya ang paglipat sa ibang istasyon.

Para hindi na lumaki ang isyu, hindi na lamang kinontra ng mga nakakaalam sa tunay ng pangyayari ang kuwento na kusang iniwan ng showbiz personality ang home network nito.

Kahit hindi na muling pinapirma ng kontrata ang showbiz personality, binibigyan pa rin siya ng mga proyekto ng dating home studio niya.

SAME CONCEPT

Pero ikinagulat ng mga kasamahan sa trabaho ng showbiz personality ang pagtanggap nito ng isang proyektong kapareho ang konsepto ng kanilang programa.

Ikinalungkot nila ito nang husto.

Nakadagdag sa pagkadismaya ng mga kasamahan sa trabaho ng showbiz personality ang unapologetic attitude nito.

Hindi humingi ng paumanhin ang showbiz personality sa tila sinadya niyang pagkakamali.

Ito ang dahilan kaya nawalan ng tiwala sa kanya ang mga dating kasamahan na nagalak nang hindi na siya muling papirmahin ng kontrata ng network na kanilang pinaglilingkuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results