PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilyonaryo studio ni Willie Revillame, binisita ng TV5 execs

Bagong game show ni Willie Revillame, sa TV5 kaya eere?
by Jojo Gabinete
Published Nov 22, 2025
Bagong game show ni Willie Revillame, sa TV5 kaya eere? Binisita siya ng TV5 execs na sina Jane Jimenez-Basas at Sienna Olaso.
Willie Revillame (center), tikom ang bibig kung saan eere ang TV5; binisita ng TV5 execs na sina Jane Basas (right) at Sienna Olaso (left).
PHOTO/S: Willie Revillame Facebook

Naghatid ng kalituhan sa mga tagahanga ni Willie Revillame ang social media post ng pagdalaw nina Jane Basas at Sienna Olaso sa studio ng Wilyonaryo noong Lunes, Nobyembre 17, 2025.

Read: Wilyonaryo ni Willie Revillame, naglabas na ng teaser

Si Basas ang president ng MediaQuest at Cignal; at si Olaso ang first vice-president ng Cignal na mga sister company ng TV5.

Matagal nang isyu na diumano, hindi na babalik si Willie sa TV5 at mapapanood na ang programa niya sa ibang network. Kaya palaisipan sa karamihan ang pagbisita nina Basas at Olaso sa studio ng Wilyonaryo.

Ang Wilyonaryo ang bagong game show ni Willie.

Naintriga rin ang lahat sa pahayag ni Basas na, "Partnerships matter. They won’t always be perfect, but when both sides genuinely strive to grow and do better together, the relationship stand the test of time so leeezgoooo MQxKuyaWil."

Nagpasalamat si Willie sa pagdalaw ng MediaQuest at Cignal executives sa Wilyonaryo studio sa Wil Tower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Derek, babalik sa TV5? Wilyonaryo ni Willie, hindi sa TV5 eere?

WILLIE REVILLAME MUM ABOUT WHERE WILYONARYO WILL AIR

Pero tikom pa rin ang bibig niya tungkol sa magiging tahanan ng kanyang bagong game show.

Read: Regine Velasquez, kinukuha sanang judge sa Miss Universe 2025

Malapit nang mapanood ang Wilyonaryo dahil sa sunud-sunod at tuluy-tuloy na pagpo-promote ni Willie. Pinaniniwalaang mapapanood ito sa TV5 dahil sa pagdalaw nina Basas at Olaso.

Sa nakaraang panayam ng Cabinet Files kay Willie, sinabi nito na posibleng mag-umpisa ang Wilyonaryo bago sumapit ang Pasko o bago siya magdiwang ng kaarawan sa Enero 27, 2026.

Walang binanggit si Willie kung saan mapapanood ang Wilyonaryo.

Pero nagbitaw siya ng pangako na tulad ng pamagat ng programa, magiging milyonaryo ang mga contestant kapag napanalunan nila ang jackpot prize.

Dahilan ito para lalong abangan ang pagsisimula ng kanyang game show na original concept niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (center), tikom ang bibig kung saan eere ang TV5; binisita ng TV5 execs na sina Jane Basas (right) at Sienna Olaso (left).
PHOTO/S: Willie Revillame Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results