PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emma Mary Tiglao, nakaranas ng pambabastos sa Miss Universe 2025

MGI 2025 Emma Mary Tiglao, balik-Pinas makalipas ang isang buwan.
by Jojo Gabinete
Published Nov 24, 2025
emma mary tiglao miss universe 2025
Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao narrates unpleasant experience with a fellow Filipino during the finals of Miss Universe 2025 on November 21, 2025.
PHOTO/S: @emmatiglao on Instagram

Magaganap ang Grand Homecoming Parade ni Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao ngayong Lunes ng hapon, Nobyembre 24, 2025, sa Ayala Triangle Garden, Makati City.

Mahigit isang buwan nanatili sa Thailand si Emma mula nang koronahan bilang Miss Grand International 2025.

Bumalik lamang siya sa Pilipinas noong Linggo, Nobyembre 23, kasama ang Miss Grand International Organization founder and president na si Nawat Itsaragrisil at ang first runner-up niyang si Sarunrat Puagpipa ng Thailand.

Natagalan ang pag-uwi ni Emma sa bansa dahil binigyan siya ni Nawat ng partisipasyon sa 74th Miss Universe pageant.

Si Nawat ang executive director ng Miss Universe Organization at national director ng Miss Universe Thailand.

Read: Mexico crowned Miss Universe 2025: Ahtisa Manalo is 3rd runner-up

EMMA MARY TIGLAO'S UNPLEASANT EXPERIENCE AT MISS UNIVERSE 2025 FINALS

Pero nagkaroon ng hindi kanais-nais na karanasan si Emma nang dumalo siya sa finals ng 74th Miss Universe noong Nobyembre 21 dahil sa kagaspangan umano ng ugali ng isang kapwa Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang araw matapos ang koronasyon ng Miss Universe 2025, ibinahagi ni Emma sa social media followers niya ang diumano’y rude treatment sa kanya ng isang kababayan.

Lahad niya: “During the coronation of Miss Universe, may lesson na kasama. I hope that you will learn from this situation also, from this scenario.

“Nag-start na, kaka-start pa lang ng Miss Universe na production nila and papunta na ako sa puwesto ko sa harap kasi nga katabi ko si Papa Nawat and some other queens, like Miss Globe and a lot more.

“Siyempre, dumaan ako sa gilid para hindi ako dumaan sa mismong harap ni Papa Nawat. Umikot ako para dito na ako sa kabila dumaan. [Para] hindi ko na maharang yung panonood ni Mr. Mario [Bucaro, CEO ng Miss Universe Organization], Raul Rocha (MUO President), and Papa Nawat.

“Hindi ako super tayo kasi nga alam ko na nag-start na. Lumabas na yung ilang girls. So, hindi ako super nakatayo kasi alam ko may nanonood sa likod.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend

Nilapitan daw ni Emma ang ibang beauty queens para itanong ang upuan o puwesto niya.

“Nag-stay lang ako siguro, hindi more than ten seconds. Mabilis lang din naman and here’s the kuwento.

“A Filipino... I know he’s a Filipino wearing I don’t know if it’s a sash or something na may Philippines. Tinap niya yung shoulder ko. Sabi niya, 'Hey, we’re watching!’

“Ganoon talaga yung pagkakasabi niya. Gusto ko sanang sumagot kasi I know, parang sa sinehan lang, kapag dumaan ka, yuyuko ka.

“So it means you respect the people at the back na nanonood. Pero for that person to tap me and ang rude ng pagkakasabi coz there’s always a polite way to ask.

“Parang, 'Excuse me, Miss, a lot of people are watching. Can you please lower down?'”

Hindi binanggit ni Emma ang Pilipino na kanyang tinutukoy pero kilala raw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko na Pinoy siya coz alam ko," diin ni Emma.

"I saw his face and Josh Yugen, another Filipino and a national director sa Miss Universe, franchise holder siya, nakita niya yung situation na yon.

"I was supposed to talk to that person pero pinigilan ko na lang.

“Pero I was thinking about it up until siguro one fourth ng show kasi sabihin mo nang hindi ako yon, pero sana as a person na lang, hindi na as a Filipino, we learn to respect each other.

“There’s a polite way and nice way to talk to someone if you really want to say something or kung magpapa-excuse ka.

“Ang bilis ng tibok ng heart ko, hindi kasi ako warfreak. I really saw that person. I know who he is."

Payo pa ni Emma: "Ang lesson lang dito, maliit lang yung mundo. Hindi natin alam kung yung tao na yon na ginawan natin ng masama, makakasalamuha ulit natin, so always, always be good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi nagbanggit ng pangalan, mabilis na nalaman ng netizens ang pagkakakilanlan ng tao na nagpakita ng kagaspangan ng ugali kaya nakararanas na ito ng online bashing.

Read: Resigned Miss Universe 2025 judge Omar Harfouch: "Miss Mexico is a Fake winner."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao narrates unpleasant experience with a fellow Filipino during the finals of Miss Universe 2025 on November 21, 2025.
PHOTO/S: @emmatiglao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results