Haharap si Quezon City First District Representative Arjo Atayde sa mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Martes ng umaga, Nobyembre 25, 2025.
Pero hindi magkakaroon ng pagkakataon ang publiko na mapanood at marinig ang kanyang mga sasabihin tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa anomalya sa flood control projects dahil humiling ng executive session ang 35-year-old actor-politician.
Executive session ang tawag sa isang pribadong pagpupulong na tumatalakay sa confidential issues at walang sangkot na live streaming.
Nadismaya ang mga sumusubaybay sa imbestigasyon ng ICI nang malamang isang executive session ang magaganap dahil hindi nila malalaman ang depensa at paliwanag ni Arjo tungkol sa eskandalong kinasasangkutan niya.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
ARJO ATAYDE ACCUSED BY THE DISCAYA COUPLE
Nabulabog ang tahimik na mundo ni Arjo nang humarap ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry noong Setyembre 8, 2025.
Sa sinumpaang salaysay ni Curlee, binanggit niya ang pangalan ni Arjo na kasama sa listahan ng mga kongresistang binigyan niya umano ng komisyon mula sa pondo ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ikinuwento ni Curlee na nagpadala siya ng text message sa ama ni Arjo na si Art Atayde para ibalik sa kanya ang PHP60 million na ibinigay niya.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
"Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po.
“For sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko.
"Kasi PHP60 million po yung pinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay niya."
Pero hindi umano ibinalik ng actor-politician ang pera.
“Nakiusap po [ako]. Utang po ang tema ng dating ko, pero ipinapasauli ko po yung mga kinuha sa akin.
“Lahat po, tinext ko sila lahat. Napakarami po nila… napakarami po nila,” pagsisiwalat ni Curlee.
Mahigpit na itinanggi ni Arjo na nanindigang hindi siya sangkot sa mga anomalya sa mga flood control project.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde