PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Louie Heredia, hindi alam kung nasaan si Anne Jakrajutatip

Kampo ni Anne Jakrajutatip, itinanggi ang mga paratang laban sa Thai billionaire
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2025
louie ignacio anne jakrajutatip friends
Filipino singer Louie Heredia says he is unaware of the current whereabouts of his friend Anne Jakrajutatip, who is facing an arrest warrant in connection with a fraud case.
PHOTO/S: Louie Heredia Instagram

Hindi pa lumalantad o nagsasalita ang dating Miss Universe Organization (MUO) owner na si Anne Jakrujatatip tungkol sa arrest warrant na inilabas ng Phra Nakhon Tai District Court, Thailand, noong Martes, Nobyembre 25, 2025.

Inisyuhan siya ng arrest warrant dahil sa hindi niya pagsipot sa pagdinig sa kaso ng fraud o pandaraya na isinampa ni Dr. Raweewat Maschamadol laban kay Anne at sa kompanya niyang JKN Global Group Public Company Limited.

Tatlumpung milyong baht ang sangkot na halaga sa demanda ni Maschamadol, pero hindi nagpakita si Anne sa korte.

May balita na, diumano, nag-convert si Anne ng anim na bilyong baht sa cryptocurrency at tumakas papunta sa Mexico, sa tulong ng kanyang mga kasosyo sa negosyo at ni Miss Universe Organization President Raul Rocha.

Read: Anne Jakrajutatip, may arrest warrant sa kasong fraud; tumakas umano sa Mexico

Itinanggi ng JKN Global ang mga akusasyon laban kay Anne.

Ang pababang ekonomiya ng Thailand ang kanilang ikinatuwiran na dahilan ng pagkaantala ng pagbabayad nila ng mga pagkakautang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy umano ang imbestigasyon ng mga ahensya ng gobyerno ng Thailand, walang napapatunayang pagkakasala si Anne at kinikilala ng JKN ang pangakong pakikipagtulungan sa lahat ng sangkot sa usapin.

Nakatakda sa Disyembre 26, 2025 ang muling pagbasa ng korte sa hatol kay Anne pero walang nakakaalam kung sisipot ito.

Read: R’Bonney Gabriel responds to Raul Rocha’s swipe at her IG followers

LOUIE HEREDIA NO CONTACT WITH ANNE JAKRAJUTATIP

Kaibigan ng Filipino singer na si Louie Heredia si Anne.

Hindi itinatanggi ni Louie na may kinalaman ang Thai transgender billionaire kaya naimbitahan siyang maging miyembro ng Selection Committee ng 74th Miss Universe na ginanap sa Thailand noong Nobyembre 21, 2025.

Bumalik na si Louie sa Pilipinas mula sa Bangkok noong Martes, Nobyembre 25.

Ngayong Miyerkules, Nobyembre 26, nakipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files para alamin kung may komunikasyon sila ni Anne.

Sagot ni Louie: “No! Never siya nagpakita, she and the whole family.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi rin nila sinasabi kung saan siya. Tumatawag lang siya sa right hand niya."

Wala raw alam si Louie tungkol sa kinaroroonan ng kanyang kaibigang matagal nang hindi niya nakikita, nakakausap, at pinaghahanap ng batas.

Si Indra Suharjono ang kinatawan o right hand ni Anne na tinutukoy ni Louie .

Siya ang koneksiyon ng Filipino singer tungkol sa pagiging hurado nito sa nakaraang 74th Miss Universe.

Read: Louie Heredia, walang honorarium bilang Miss Universe 2025 judge

louie heredia indra suharjono
Louie Heredia with Indra Suharjono, Ane Jakrajutatip's personal secretary.
Photo/s: Courtesy of Louie Heredia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino singer Louie Heredia says he is unaware of the current whereabouts of his friend Anne Jakrajutatip, who is facing an arrest warrant in connection with a fraud case.
PHOTO/S: Louie Heredia Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results