PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating Presidente ng Peru, 14-taong kulong dahil sa korapsyon

Dating Presidente ng Peru, napatunayang tumanggap ng suhol sa contractors.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2025
former peru president martin vizcarra
Former Peruvian President Martin Vizcarra has been sentenced to fourteen years in prison after a court found him guilty of accepting bribes from contractors in exchange for public-works projects during his tenure as governor from 2011 to 2014.
PHOTO/S: Canal 16 YouTube

Inilipat sa bilangguan ng Barbadillo sa Ate Vitarte, Lima, Peru, noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 26, 2025 ang dating Pangulo ng bansa na si Martin Vizcarra, 62.

Sisimulan na niyang bunuin ang parusang labing-apat na taong pagkakakulong na ipinataw sa kanya dahil sa korapsyon at pagtanggap ng suhol mula sa mga contractor.

Ang dahilan ng pagkakakulong ni Vizcarra ay isang kontrobersiyal na usapin na alam na alam ng mga Pilipino dahil nangyayari ngayon ito sa Pilipinas.

Read: Jessica Soho on corrupt officials: "Tumakas ang konsensya nila."

Si Vizcarra, na kapangalan ni ex-House Speaker Martin Romualdez, ang Pangulo ng Peru mula noong Marso 23, 2018 hanggang Nobyembre 9, 2020.

Natanggal siya sa puwesto nang i-impeach ng Kongreso.

Hinatulan si Vizcarra ng labing-apat na taon na pagkakapiit sa kulungan dahil napatunayan ng korte na tumanggap siya ng suhol mula sa mga construction company nang manungkulan siya bilang gobernador ng Southern Moquegua Region sa pagitan ng 2011 at 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng korte na tumanggap si Vizcarra ng US$640,000 mula sa mga construction company, kapalit ng pagbibigay ng pabor sa pamamagitan ng mga kontrata sa mga proyektong pampubliko.

Bukod sa parusang labing-apat na taon na pagkakabilanggo, disqualified o hindi maaaring humawak si Vizcarra ng pampublikong posisyon sa loob ng siyam na taon.

Ipinag-utos din ng korte na magbayad siya ng civil reparations.

Read: Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions

MARTIN VIZCARRA: THIS IS NOT JUSTICE, IT IS REVENGE

Hindi nagpakita ng anumang emosyon si Vizcarra habang binabasa ang hatol sa kanya pero nanindigan siyang inosente sa mga mabibigat na paratang.

Mensahe niya sa X (Twitter) ngayong Huwebes, Nobyembre 27: “I have been sentenced for standing up to the mafia pact.

"This is not justice, it is revenge.

"But they will not break me. The answer lies in the ballot boxes.

"My brother Mario Vizcarra will continue this fight for you.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Peru comes first, and no one will be able to silence it."

Ang tinutukoy ni Vizcarra ay ang pagkandidato ng kanyang kapatid na si Mario Vizcarra bilang presidente ng Peru sa halalan sa 2028.

Si Vizcarra ang nanguna sa paglaban sa katiwalian noong siya pa ang Presidente ng Peru.

Pero sa huli ay siya ang nakulong dahil sa nilalabanan niya noon.

Read: Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla face prosecution over flood control mess

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Peruvian President Martin Vizcarra has been sentenced to fourteen years in prison after a court found him guilty of accepting bribes from contractors in exchange for public-works projects during his tenure as governor from 2011 to 2014.
PHOTO/S: Canal 16 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results