PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, kumpirmado na ang pagbabalik sa Kapatid Network

Willie Revillame, magkakaroon ng sariling TV channel sa Cignal.
by Jojo Gabinete
Published Nov 28, 2025
willie evillame tv5
TV host Willie Revillame is set to sign a deal with top executives of TV5, MediaQuest, and Cignal, marking his return to the Kapatid Network amid speculation that his show Wilyonaryo will not air on MVP’s broadcast company.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook

Ang pagpirma ng kasunduan sa pagitan ng TV5, MediaQuest, Cignal, at ni Willie Revillame na magaganap ngayong Biyernes ng hapon, Nobyembre 28, 2025, ang kumpirmasyong walang katotohanan ang mga balitang hindi na babalik sa Kapatid Network ang TV host.

Matagal nang hindi nakikita ng publiko si Willie mula nang magpaalam siya sa kanyang programang Wil To Win noong Pebrero 10, 2025 para kumandidato bilang senador sa halalang idinaos noong Mayo 12, 2025.

Wilyonaryo ang pamagat ng bagong game show ni Willie.

Marami ang nagtaka nang dumalaw kay Willie sina MediaQuest/Cignal President Jane Basas at Cignal First Vice-President Sienna Olaso sa studio niya sa Wil Tower noong Nobyembre 17, 2025 dahil sa balitang hindi na siya babalik sa TV5.

Bagong game show ni Willie Revillame, sa TV5 kaya eere? Binisita siya ng TV5 execs na sina Jane Jimenez-Basas at Sienna Olaso.
Willie Revillame with Cignal First Vice-President Sienna Olaso (left) and MediaQuest/Cignal President Jane Basas (right).
Photo/s: Willie Revillame Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilyonaryo studio ni Willie Revillame, binisita ng TV5 execs

WILLIE REVILLAME TO HAVE HIS OWN TV CHANNEL ON CIGNAL

Mali ang mga akala dahil nakatakda ngayong Biyernes ang pagpirma ni Willie ng kontrata.

Kabilang sa mga kasunduan ang pagkakaroon niya ng sariling TV channel na may pangalang Wil TV, na ibinigay sa kanya ng Cignal at ni TV5 Chair Manny V. Pangilinan o MVP.

Mapapanood sa Wil TV ang Wilyonaryo, na may segment na "Lucky Pick" na aprubado ng PAGCOR at Security and Exchange Commission (SEC).

Isang milyong piso ang araw-araw na ipamimigay ni Willie sa mapapalad na magwawagi sa "Lucky Pick."

Noong Huwebes, Nobyembre 27, nakita si Willie na bumisita sa itinatayong malaking studio sa TV5 compound sa Mandaluyong City — patunay na hindi rin totoo ang balitang hindi na matutuloy ang nabanggit na proyekto.

Tinatayang nagkakahalaga ng PHP600 million ang state-of-the-art studio na business partnership nina Willie at MVP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diumano, ang studio ang pinakamalaki sa buong Pilipinas.

Napabalitang hindi na magkakaroon ng katuparan ang pagpapatayo ng studio, pero lumitaw na walang katotohanan ito.

Kaya mahirap paniwalaan ang mga espekulasyon hangga’t hindi nanggagaling ang kumpirmasyon mula kay Willie, na madalas ginugulat ang publiko dahil sa kanyang mahirap mahulaan at hindi inaasahang mga aksyon at desisyon.

Read: Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame is set to sign a deal with top executives of TV5, MediaQuest, and Cignal, marking his return to the Kapatid Network amid speculation that his show Wilyonaryo will not air on MVP’s broadcast company.
PHOTO/S: Wil To Win Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results