PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla at Claire Castro, nagsagutan tungkol sa voice clip

Senator Robin Padilla, naglabas ng hindi beripikadong audio recording.
by Jojo Gabinete
Published Nov 28, 2025
robin padilla claire castro audio clip
PCO Undersecretary Claire Castro (right) challenges Senator Robin Padilla’s (left) claim linking her to a viral voice clip allegedly featuring someone negotiating payments with trolls. Padilla counters that he is merely fulfilling his duty to ask questions, not to make accusations.
PHOTO/S: Facebook

Si Senator Robin Padilla ang may-akda ng Senate Bill No. 1490 o Anti-Troll Farm Act of the Philippines, ang panukalang batas laban sa mga troll farm para masugpo ang pagkalat ng fake news.

Si Padilla rin ang chairman ng Senate Commitee on Public Information and Mass Media.

Noong Martes, Nobyembre 25, 2025, sa Plenary Session ng Senado tungkol sa proposed budget ng Presidential Communications Office (PCO) para sa 2026, ipinarinig niya ang leaked audio recording ng pag-uusap ng dalawang babae.

Ayon sa senador, ang audio recording ay naglalaman ng pakikipag-usap umano ni Undersecretary of the Presidential Communications Office Claire Castro sa isang tao tungkol sa trolls.

Read: Harry Roque claims he was offloaded, not arrested, in Amsterdam

THE AUDIO RECORDING

Ito ang kabuuan ng pag-uusap ng dalawang babae sa unverified audio recording na ipinarinig ni Padilla sa Senado...

Female Voice A: Nanghihingi ka na naman ng dagdag. Puro palpak naman yang mga vlogger mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Female Voice B: Pasensya na, Madam. Ginagawa naman po namin lahat yung mga script na ipino-forward sa amin, e. Sinunod naman po namin.

Female Voice A: Puro nga kayo palpak, e. Puro kayo hingi ng budget, wala naman nangyayari. Ilan ba hawak mo na Class A?

Female Voice B: Wala po akong hawak na Class A. Puro Class D lang po at twenty na troll.

Female Voice A: Sino-sino yan?

Female Voice B: Yung grupo po ni Maderajo, kasama sina Rosalinda at Taga-bukid.

Female Voice A: Yan ba yung matandang mukhang gorilya na puro live ang pinaggagagawa?

Female Voice B: Yes po, Madam. Sila din po yung humihingi ng dagdag sa bayad ninyo.

Female Voice A: Hindi na kami magdadagdag. Puro naman walang kuwenta yung mga ginagawa ng mga yan at puro kayo kabobohan sa totoo lang. Puro kayo palpak.

Female Voice B: Ang sakit niyo naman magsalita, Madam.

Female Voice A: Masakit ba o... [inaudible]

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Female Voice B: Sa totoo lang, nag-aabono na nga ako pera dahil sa kahihingi nitong si Maderajo.

Female Voice A: Wala akong pakialam. Problema mo yan. Napakabobo ng mga kinuha mo!

Female Voice B: Hay nagsasawa na rin po ako, Madam. Ganito na lang, I resign starting today and remind lang po kita, recorded itong pag-uusap natin.

Female Voice A: Sh*t!

Read: Dating Presidente ng Peru, 14-taong kulong dahil sa korapsyon

CLAIRE CASTRO DENIES UNVERIFIED LEAKED AUDIO RECORDING

Kinabukasan, Miyerkules, Nobyembre 26, pinabulaanan ni Claire Castro na boses niya ang naririnig sa unverified leaked audio recording.

Pahayag niya sa press briefing sa Malacañang: “For the satisfaction of Senator Robin Padilla, hindi po ako ang nasa video clip. Itong video na ito lumabas na noon pa at ibang mukha ang pinapakita.

"I deny that I am the person or kung sino man sa dalawa doon... that I was talking to a certain vlogger.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginiit ni Castro na obligasyon ni Sentor Robin Padilla na isiwalat ang pinagmulan ng audio recording.

"Mas maganda po tanong muna kay Senator Robin, saan niya nakuha ito? Anong source ito galing? Obligasyon niyang magsabi kung saan ang source.

"Maganda ang kanyang pinapanukalang batas. Sana maging modelo din po si Senator Robin na hindi nagpapakalat o nabibiktima ng mga troll farm na nagpapakalat ng fake news.”

SENATOR ROBIN PADILLA RESPONDS TO UNDERSECRETARY CLAIRE CASTRO

Mabilis ang sagot ni Padilla sa pahayag ni Castro noong Martes.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ipinarating niya kay Castro ang kanyang mensahe.

Nakasaad dito: “Usec. Claire wala po nag-akusa sa inyo. Ang punto po ay Troll farm.

"Sila ang nagpapalaganap ng fake news at kung sino ba ang nagpopondo sa kanila kaya kung gusto ninyo na mabawasan man lang ang fake news dahil kayo kamo sa administrasyon ang nabibiktima ay suportahan ng PCO ang Senate Bill No. 1490, o Anti-Troll Farm Act of the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa tapos ang isyu sa pagitan ng dalawa dahil nitong Huwebes, Nobyembre 27, muling kinastigo ni Padilla si Castro dahil sa kritisismo nito tungkol sa diumano’y inconsistencies sa mga bagong pahayag ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co laban sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Pinuna rin ni Castro ang pagbabago sa estilo ng buhok ni Co, na isinangkot si Marcos sa bilyun-bilyong pisong insertions sa national budget para sa 2026.

Payo ni Padilla kay Castro sa Facebook post nito ngayong Huwebes: “Wala ka naman po sa budget hearing para ikaw mismo ang sumagot sa mga tanong po ng mga senador.

“Naitanong ko po sana sa iyo mismo Kung ikaw po ba ang sinasabi nila na nasa audio at kung totoo po ba na may nawawalang 50 million sa opisina niyo at dahil nababanggit po kayo sa social media kasama ang salitang TROLL.

"Chairman po ako ng Senate on Public Information and Mass Media, trabaho ko po ang tanongin kayo na nasa public information hindi akusahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kanya-kanya po tayong mandato kaya wag po ninyo ako paandaran ng mga pasakalye niyo.

“Mainam din po siguro na ipa-NBI na lang ninyo for verification. Sabi nga ni SP Vicente Sotto III kung si dating congressman Zaldy Co ang nasa video para hindi ka po nanghuhula dahil hindi mo po mandato magtanong. Ang mandato mo ay sumagot at magpahayag ng katotohanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang sagot si Castro sa patutsada sa kanya ni Padilla.

Read: Jessica Soho on corrupt officials: "Tumakas ang konsensya nila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PCO Undersecretary Claire Castro (right) challenges Senator Robin Padilla’s (left) claim linking her to a viral voice clip allegedly featuring someone negotiating payments with trolls. Padilla counters that he is merely fulfilling his duty to ask questions, not to make accusations.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results