"Draw" ang resulta ng professional boxing debut ni Jimuel Pacquiao, 24, ng Pilipinas at ni Brendan Lally, 24, ng USA.
Si Jimuel ang panganay na anak nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.
Si Brendan naman ay isang high-school teacher sa Chicago.
Ang laban nila ay naganap ngayong Linggo ng hapon, Nobyembre 30, 2025, Philippine time (Nobyembre 29 ng gabi sa California), sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California, USA.
Read: Get to know Manny Pacquiao's children
JINKEE PACQUIAO NERVOUS DURING BOUT
Apat na rounds lamang ang boxing match ng dalawa at pagkagulat ang nagrehistro sa mukha ni Brendan nang marinig ang desisyon ng mga hurado.
Sa tingin niya, siya ang nanalo.
Ang MP Promotions ni Manny ang promoter ng Pacquiao-Lally fight, kung saan tinatawag ng mga boxing commentators si Jimuel as Pacquiao Jr.
Bakas naman sa mukha ni Jinkee ang labis na pag-aalala habang nakikipagtunggali ang kanyang anak kay Brendan.
Nakunan siya ng kamera nang ibaling nito ang mukha sa gilid ng katawan ni Manny dahil bilang isang ina, mahirap para sa kanyang panoorin na nasasaktan ang anak.

Poker-faced si Manny habang nagaganap ang laban, pero mahahalatang nag-aalala rin siya para kay Jimuel.
Ilang oras bago naganap ang paghaharap nina Jimuel at Brendan sa boxing ring, ibinahagi ni Jinkee sa social media feeds nito ang video ng kanyang mag-ama habang nagbibigay si Manny ng last-minute pointers.
Saad niya sa caption (published as is): "Father and son. The nervousness is extreme, heaven is heaven when Manny fights. It will be triple for his son! I would cry watching them just to think the mother would cry. Just trust God for everything."