Kinikilala ang kabayanihan ni Nerissa Catabay, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nailigtas ang batang kanyang inaalagaan habang nasusunog ang gusali ng kanilang tinitirhan sa Wang Fuk Court, Tai Po District, Hong Kong, noong Nobyembre 26, 2025.
Nag-livestream din si Nerissa para mabigyan ng babala ang lahat ng kanyang kapitbahay.
Mapapanood sa livestream video ni Nerissa ang paghingi nito ng tulong, karga ang anak ng kanyang mga pinaglilingkuran, habang tumatakbo at sumisigaw siyang nasusunog ang gusali para maalertuhan ang mga kapitbahay nila.
Read: Senate 3rd floor catches fire; Sotto assures Blue Ribbon Committee documents are “intact, safe”
THE GREAT ESCAPE
Sa panayam sa kanya ng Al Jazeera, ang Middle East-based news network, ikinuwento ni Nerissa na nakatira sila ng kanyang mga amo sa 23rd floor.
Gamit ang cellphone, nag-live streaming siya para bigyan ng babala ang lahat dahil hindi gumagana ang fire alarm sa kanilang gusali.
Lahad niya: “I just grabbed the baby and go. I didn’t even lock anything.
"I didn’t lock the window. I didn’t lock anything just to run away and escape from the building.
“I heard some screaming so I worried. I pushed bigger and I put my head out and then I see something like spot of the fire coming from the other buildings.
“And because there’s a wind, the fire is very fast.”
Live-in nanny si Nerissa at sila lamang ng bata na kanyang inaalagaan ang nasa flat na tinitirhan nila nang maganap ang sunog.
Dahil hindi rin mapakinabangan ang mga elevator, tumakbo raw pababa si Nerissa mula sa 23rd floor habang karga ang kanyang alaga.
“When I came from the 23rd floor, I stopped at the 11th floor because I am shaking.
"That time, I felt like I want to faint because I am scared. Because I have a baby [with me].
“And then still, I tried to open, I tried to press the elevator but nothing come out,” kuwento pa ni Nerissa.
Read: Who is Zen Hernandez?
SAVING HERSELF AND HER ALAGA
Nasunog daw ang lahat ng mga gamit ni Nerissa at ng mga amo nito.
Napaluha siya nang ikuwento ang mala-impiyernong sunog na nasaksihan kaya mahirap daw para sa kanya ang makatulog.
“I didn’t save anything, just myself, and I want to thank God because He gave me wisdom. He helped me to continue to go out even though I felt like suffocating inside.” pahayag ni Nerissa.
Si Nerissa ay isa lamang sa maraming OFWs sa Hong Kong na naranasan ang sunog sa Wang Fuk Court, na kumitil ng hindi bababa sa 146 na buhay at mahigit sa 100 pa ang bilang ng mga nawawala.
Mapalad si Nerissa dahil hindi ito nasugatan sa naganap na trahedya.
Hindi niya naranasan ang nangyari kay Rhodora Alcaraz Toñacao, na kasalukuyang nakaratay sa isang ospital sa Hong Kong matapos makatakas mula sa sunog at nailigtas ang tatlong buwang sanggol na kanyang inaalagaan.
Read: OFW Rhodora Alcaraz, hurt in Hong Kong fire, declared "stable"
Malungkot naman ang sinapit ni Maryan Pascual Esteban na kasamang nasawi sa sunog ang kanyang alagang limang taong gulang na babae.
Read: OFW Maryan Pascual Esteban, kabilang sa mga nasawi sa Hong Kong fire