Ang lumalalim na hidwaan sa pagitan ng Japan at China ang dahilan ng kanselasyon ng concert ng Japanese singer na si Ayumi Hamasaki sa Shanghai Oriental Sports Center, Shanghai, China, noong Sabado, Nobyembre 29, 2025.
Pero hindi ito naging hadlang para hindi ituloy ni Ayumi ang pagtatanghal, kahit walang manonood.
“Force majeure” ang ibinigay na rason ng concert organizer sa desisyong huwag ituloy ang concert ni Ayumi isang araw bago ito idaos — na ikinalungkot at ikinadismaya ng kanyang Chinese fans.
Read: Stray Kids make history again, score 8th No. 1 Billboard 200
Sa pamamagitan ng Instagram noong Biyernes, Nobyembre 28, ibinahagi ni Ayumi ang kanyang saloobin sa kanselasyon ng concert bilang bahagi ng Asian tour niya.
Aniya: “All of sudden, we were asked to cancel my concert [scheduled for Saturday] this morning.
“I still strongly believe that entertainment should be a bridge that connects us, and that I should be the creator of that bridge.”
Nag-ugat ang paghihigpit ng China sa mga Japanese artist dahil sa pahayag ni Prime Minister Sanae Takaichi sa Diet, ang legislative body ng Japan, na ang posibleng insidente sa Taiwan ay maaaring maging isang sitwasyong nagbabanta sa kaligtasan ng kanilang bansa.
Ang tinutukoy ni Takaichi ay ang lumalalang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Taiwan at China.
Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win top acting prizes
THE SHOW MUST GO ON
Pero hindi nasiraan ng loob si Ayumi dahil kahit walang manonood sa loob ng 14,000-seater Shanghai Oriental Sports Center, itinuloy niya ang pagtatanghal.
Ipina-record ni Ayumi ang audience-less concert nito na balak niyang i-release para mapanood ng mga tagahanga na inalisan ng karapatang saksihan ang kanyang pagtatanghal.
Ibinahagi ni Ayumi sa Instagram ang mga larawan mula sa concert na walang audience.
Caption niya (published as is): “With 14,000 empty seats but felt so much love of TAs from all over the world, it was one of the most unforgettable show ever to me.
“I appreciate 200 of Chinese and Japanese crew, band members, dancers who made this stage happen. From bottom of my heart...”
View this post on Instagram
Hindi lamang si Ayumi ang nadamay sa diplomatic spat sa pagitan ng Japan at China.
Naranasan din ng Japanese "One Piece" singer na si Maki Otsuki na patayan ng ilaw at mikropono habang kumakanta siya sa Bandai Namco Festival sa Shanghai, China, noong Nobyembre 28, 2025.
Kitang-kita sa mukha ni Maki ang pagkagulat, pero walang nagawa ang Japanese animé singer kundi ang umalis mula sa entablado nang pababain.
Samantala, tumatanggap ngayon ng mga batikos ang China dahil sa naging trato nila sa mga popular Japanese entertainers.
Read: ICC rejects former President Duterte’s appeal for interim release