PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Margaret Diaz, napaamin tungkol sa traumatic experience

Margaret Diaz, ire-remake ang Balahibong Pusa ni Joyce Jimenez.
by Jojo Gabinete
Published Dec 1, 2025
margaret diaz balahibong pusa
Rising VMX sexy star Margaret Diaz will be launched through the remake of the 2001 classic Balahibong Pusa, once led by Joyce Jimenez. Fans and insiders alike are predicting she may follow in the footsteps of VMX Queens AJ Raval and Angeli Khang.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Trigger Warning: Rape

Hindi sinasadyang naipagtapat ni Margaret Diaz ang pagkakaroon ng traumatic experience dahil sa kanyang sagot nang itanong ng Cabinet Files ang pinaghugutan niya ng emosyon para sa mga madadamdaming eksena sa remake ng pelikulang Balahibong Pusa.

Si Margaret, 19, ang pinakabagong VMX star.

Walang anumang karanasan si Margaret sa pag-arte pero pinupuri ng direktor na si Roman Perez Jr. ang kanyang husay sa launching movie niya — ang remake ng 2001 movie na pinagbidahan noon ni Joyce Jimenez.

Read: Atom Araullo finally confirms he’s in a long-term relationship

balahibong pusa
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARGARET DIAZ'S TRAUMATIC EXPERIENCE

Karaniwang malulungkot ang kuwento ng buhay ng mga baguhang sexy star kaya magagaling umarte ang karamihan sa kanila.

Ito ang opinyon ni Margaret tungkol sa nabanggit na obserbasyon: “Sa akin naman po, I wouldn’t say na sad po ang life ko, pero marami po akong napagdaanan.

"Marami po akong bubog na na-dwell ko po since yung personal life ko po is very relatable sa movie.

"So, naging magandang outlet po siya para ma-out yung emotions ko.”

Tumanggi si Margaret sabihin ang mga bubog na kanyang tinutukoy.

"Siguro hindi po muna kasi it’s personal," paliwanag niya.

Pero nadulas siya sa pagsasalita nang tanungin tungkol sa pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa Balahibong Pusa.

“Yung sa rape scene po, I guess, kasi very intense po siya and it could really bring back a lot of trauma from my experience.

"Siyempre, mahirap din po yon and paunti-unti, name-mend naman po siya,” pagbabahagi ni Margaret.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa raw handa ang baguhang VMX sexy star na isiwalat ang malungkot na nakaraan.

Pero paano niya gagamitin ang kanyang impluwensiya bilang artista para makatulong sa mga biktima ng pang-aabuso?

Tugon niya: “That’s a very good question po.

"Of course, yes, if in the near future po magkaroon ako ng big influence sa masa, siyempre po I would use my influence po to advocate about mental health and abuses na hindi dapat nararanasan ng mga kababaihan at hindi dapat nino-normalize.”

Inamin ni Margaret na 16 years old siya nang maganap ang traumatic experience niya, pero hindi pa raw siya handang sabihin kung naparusahan na ang may sala.

Read: DTI Secretary Cristina Roque nanindigang kasya ang PHP500 Noche Buena budget

MARGARET'S ENTRY IN SHOWBIZ

Marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig ni Margaret kay Andrea Brillantes, pero mas marami raw ang nagkokomento na kamukha niya si Lovi Poe.

Nag-umpisa ang acting career ni Margaret nang makita siya ng talent manager at film producer na si Len Carillo sa isang local beauty pageant sa lalawigan ng Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tourism student si Margaret sa STI College.

Nang alukin siya ni Len na mag-artista, tinanggap niya at pumayag din ang kanyang mga magulang.

“Thankfully, yung mom ko po is very open-minded in terms of these kind of movies.

"Hindi naman niya dine-degrade or hindi po mababa ang tingin niya sa mga tao na nagwo-work sa ganitong industry. Sinusuportahan naman niya po ako,” saad ni Margaret.

Hinuhulaang si Margaret ang papalit sa trono ng dating VMX Queens na sina AJ Raval at Angeli Khang.

Read: Japanese singer Ayumi Hamasaki, itinuloy ang concert sa China kahit walang audience

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rising VMX sexy star Margaret Diaz will be launched through the remake of the 2001 classic Balahibong Pusa, once led by Joyce Jimenez. Fans and insiders alike are predicting she may follow in the footsteps of VMX Queens AJ Raval and Angeli Khang.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results