Umalingawngaw ang malakas na hiyawan sa loob ng Cinema 11 ng Gateway 2 Mall nang ipakita ang passionate kissing scene nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga sa special screening ng Episode 1 ng Season 2 ng Ang Mutya ng Section E: The Dark Side.
Ginanap ang special screening ngayong Martes ng gabi, Disyembre 2, 2025.
Kilig na kilig ang mga tagahanga nina Andres at Ashtine.
Ikinagulat nila ang hindi inaasahang romantikong eksena sa series na mapapanood sa Viva One simula sa Disyembre 4.
Read: Carla Abellana announces engagement — will a wedding follow soon?

PERFECT 10
Kinilig din ang reaksiyon ni Ashtine nang itanong ng Cabinet Files ang kanyang naramdaman habang pinapanood ang kissing scene nila ni Andres.
“Ang galing!” natatawa at kinikilig na sagot ni Ashtine.
"10" ang ibinigay na puntos nang ipa-rate sa kanya mula isa hanggang sampu ang husay ni Andres sa paghalik.
Hindi itinanggi ni Ashtine ang kaba nito nang kunan ang isa sa mga pinag-uusapang eksena nila ni Andres sa Ang Mutya ng Section E:The Dark Side.
Kuwento ng Viva actress: “One or two [take] yata [ang kissing scene].
"Sa una po, kinakabahan ako, kasi nakakahiya po mag-kiss kapag maraming tao.
"Pero mas hindi na po ako kinakabahan ngayon compared noong una."
Masaya si Ashtine dahil nagustuhan ng manonood ang sunud-sunod na mga nakakakilig na eksena nila nina Andres at Rabin Angeles sa ikalawang season ng kanilang hit series sa Viva One.
Saad niya: “Nakakatuwa po kahit bad side na siya, naging balanced.
"Sa totoo lang, nabitin ako. Parang gusto ko nang idire-diretso na ang Episode 2.
“Super happy ako sa result kasi hindi ko alam kung masaya ba ako kasi sama-sama kaming nanood lahat.”
Aminado rin si Ashtine na nakisabay siya malakas na hiyawan ng fans.
Mainit din ang pagtanggap ng fans ni Ashtine sa trailer ng Manila’s Finest na ipinalabas bago nag-umpisa ang special screening ng Ang Mutya ng Section E: The Dark Side.
Ang Manila’s Finest ay official entry sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Excited na raw si Ashtine sa idaraos na Parade of Stars dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng pelikulang kalahok sa MMFF.
Read: 41st Star Awards for Movies: Vilma, Aga, Dennis win top acting prizes