PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WilTV ni Willie Revillame, nag-test broadcast na sa Cignal

Willie Revillame, pinaghahandaan na ang grand launch ng WilTV.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2025
willie revillame mvp wilyonaryo
Veteran TV host Willie Revillame marks his television comeback with the test broadcast of his own channel, WilTV, on Cignal TV.
PHOTO/S: Facebook

Nag-umpisa ang test broadcast para sa WilTV, ang Channel 10 ng Cignal TV na ipinangalan sa television host na si Willie Revillame, kaninang alas-dose ng gabi, Disyembre 3, 2025.

Ang naganap na test broadcast ang hudyat na wala nang atrasan ang pagbabalik ni Willie sa telebisyon.

Pinaghahandaan na ni Willie ang grand launch ng WilTV na magiging tahanan ng kanyang bagong game show na Wilyonaryo at ng kanyang upcoming public service show na Willingly Yours.

Read: Willie Revillame, kumpirmado na ang pagbabalik sa Kapatid Network

Pahayag ng veteran TV host: “Ito pong Cignal TV, ito po yung partner ko sa bagong channel, which is Channel 10.

"Ito po yung magiging pangalawang channel, yung WilTV na ipinangalan po ni Ma’am Jane Basas sa amin. Sabi niya, ‘WilTV ang ilagay mo.’

“Marami pang mga plano at ang mga ito po ay hindi para sa amin. Ito po ay para sa mga nangangailangan, sa mga taong hirap na sa buhay. Nandito ako, nandito ang TV5, nandito ang Cignal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iniisip namin, papaano natin mabibigyan ng ngiti, ng saya ang bawat Pilipino sa pinagdadaanan natin ngayon.

“Ano man po ang title ng programa ko, ano man po ang channel na puntahan ko, isa lang ang gusto namin—ang makapagbigay ng saya, makapagbigay ng ligaya, at makapagbigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.”

Read: Wilyonaryo studio ni Willie Revillame, binisita ng TV5 execs

"LUCKY PICK"

Ang WilTV ay isa sa mga business partnership nila ng Cignal, MediaQuest, at ni TV5 Chair Manny Pangilinan.

Nangyari ang pirmahan ng kontrata sa pagitan ni Willie at ng mga executive ng TV5, MediaQuest, at Cignal noong Biyernes, Nobyembre 28.

willie revillame contract signing
Willie Revillame and the executives of TV5, MediaQuest, and Cignal during the TV host's contract signing.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinabukasan, Nobyembre 29, nagkaroon ng biglaang Facebook Live broadcast ang Wilyonaryo, at napanood ito sa Wowowin Facebook page.

Sa naturang live broadcast, ipinaliwanag ni Willie ang mechanics ng "Lucky Pick," isa sa mga game segment sa Wilyonaryo na magbibigay sa mga contestant ng pagkakataong araw-araw manalo ng isang milyong piso.

Sampung mapapalad na manonood ang nagwagi ng tig-sampung libo dahil nasagot nila ang mga tanong ni Willie sa game segments na "Bigyan Ng Jacket ‘Yan!" at "Spin A Wil."

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran TV host Willie Revillame marks his television comeback with the test broadcast of his own channel, WilTV, on Cignal TV.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results