Reunited sa Bar Boys: After School sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, ang veteran actress na si Odette Khan, at ang direktor na si Kip Oebanda.
Official entry sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Bar Boys: After School na sequel ng Bar Boys (2017).
Read: Netizens react to Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal
ODETTE KHAN GRATEFUL FOR SPECIAL TREATMENT
Ang Bar Boys ang nagbigay kay Odette ng acting awards mula sa Gawad Urian, Star Awards, at FAMAS dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa karakter ni Justice Hernandez.
Sa media conference ng Bar Boys: After School ngayong Miyerkules ng gabi, Disyembre 3, 2025, napaluha si Odette dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng cast at production staff habang ginagawa nila ang pelikula.
Sinabi ni Odette na hindi siya dapat iiyak, pero nangibabaw ang kanyang damdamin kaya dalawang beses niyang sinabihan ng “I love you” ang kanyang mga kasamahan sa MMFF 2025 entry ng 901 Studios.
Read: ER Ejercito, pinalitan na bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna
ENZO PINEDA'S FIRST MMFF MOVIE
Ikinagagalak naman ni Enzo na official entry sa MMFF 2025 ang Bar Boys: After School dahil labinlimang taon na siyang artista pero ngayon lamang niya naranasang magkaroon ng proyektong kasali sa taunang film festival.
Saad niya: “Fifteen years na ako sa industriya pero first time kong magme-Metro Manila Film Festival.
"And, definitely, this is a surreal experience for me. Ang tagal ko rin hinintay ito.
“Bilang artista, dating pinapangarap kong maging parte ng MMFF.
"After fifteen years, finally, I could say I am part of it because of Direk, because of our family.”
Read: Robin Padilla reacts to Aljur Abrenica fathering 3 kids with AJ Raval
ROCCO AND DIREK KIP ON LAWS THEY WANT TO IMPLEMENT
Naging seryoso naman ang talakayan sa media conference ng Bar Boys: After School nang sagutin nina Rocco at Direk Kip ang tanong tungkol sa mga batas na nais nilang gawin para sa Pilipinas.
Gusto ni Rocco na ibalik ang death penalty para sa mabibigat na kaso para matakot umano ang mga Pilipino.
Paliwanag ng Kapuso actor: “We need to be scared.
"I believe the system was made for the powerful to easily get away so we need something like this.
“We should have that death penalty para matakot sila.”
Nais naman ni Direk Kip magkaroon ng batas laban sa anti-dynasty.
Saad niya: “Ina-address natin ito sa pelikula, kapag public official ka o contractor o kahit sino ka man, dapat mandatory na transparent ka para sa lahat ng ito.
"Kasi ninanakawan tayo nang ninanakawan ng mga contractor, ng gobyerno, at hanggang ngayon, wala pa rin nakukulong.
“Ang nakukulong lang, yung mga maliliit na bagmen, yung mga small fish.
"But there are the big fish. That’s why we don’t have any accountability for them because there’s no transparency.
“Sunshine policy ang tawag dun sa ibang bansa.
"Kita dapat lahat ng resources, lahat ng pera ng lahat ng mga pulitiko, lahat ng mga tumatanggap ng pera ng gobyerno. Number one yon.
“Number two, tingin ko, kailangan natin ng mga batas na pipigil sa monopoliya ng mga ilang pamilya sa gobyerno natin, so I am very for anti-dynasty law.
“I speak for the whole cast na they would prefer na walang dynasty sa Pilipinas.
"Why? Because when you collect power and put it together in one sector and in one group, what you do is you make it hard to hold those all accountable."
Pagpapatuloy ni Direk Kip: "So if there are people in Congress, in Senate, in local government, at hawak nila ang lahat ng kapangyarihan, hawak nila ang kompanya, ibig sabihin mas mahihirapan tayo to hold them accountable.
"And so, we support anti-dynasty law and stricter, harsher punishment sa lahat ng corrupt.
“Kailangan natin yan kasi mayaman ang Pilipinas, ninanakawan lang tayo.”
Sinang-ayunan ito ni Carlo Aquino.
Ayon sa aktor: “At saka kapag may hawak ka nang power na ganoon katagal at hindi nawawala sa iyo, nag-iiba yung judgment mo. Nadi-disconnect ka.
"So, ako rin, yun talaga yung kapag mabibigyan ako ng pagkakataon.”
Read: Ryan Bang and Paola Huyong spotted at Hola, Escolta street fest