May paliwanag si Manilyn Reynes tungkol sa kanyang hindi napipigilang pag-iyak tuwing nakaririnig siya ng Christmas songs — kahit nasaan man ang kanyang kinaroroonan.
Napag-usapan ang kakaibang ugali ni Manilyn nang bigla itong umiyak nang kantahan siya ni Boy Abunda ng Christmas song na "Have Yourself a Merry Little Christmas" sa guesting ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, Disyembre 4, 2025.
Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
“Naaalaala ko lang na noon, nung bata pa ako, napakasimple lang ng buhay sa Cebu. Kapag magpa-Pasko, magtse-church and then kain lang kayo together,” garalgal ang boses na sabi ni Manilyn.
“Kaya lang, sa pagdating mo ng panahon, ang dami mo nang ginagawa, hindi mo na minsan maalaala yung mga kailangan mong gawin.
“Minsan hindi mo na napagtutuunan ng pansin, ganoon lang ba.
Paliwanag pa niya: "Parang meron lang melancholic feel yung Pasko para sa akin, not because sad ako. No!
“I am very happy at kuntento ako sa buhay ko, lalo na sa pamilya ko. Pero yun lang."
Ibinahagi rin ni Manilyn ang kuwento ng kanyang pag-iyak habang bumibili siya ng Christmas tree decors sa isang mall dahil pinatugtog ang Christmas song ni Jose Mari Chan na "Christmas in Our Hearts.
“One time, nagtitingin ako ng mga Christmas ornament. Biglang tumugtog ‘yung kay Tito Joe Marinaman.
"Sabi ko sa kuya [salesman], ‘Kuya, may malalaki po ba na bola na ganito?’" habang umiiyak siya.
Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft
SIXTH SHAKE, RATTLE & ROLL MOVIE OF MANILYN
May kinalaman sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang guesting ni Manilyn sa Fast Talk With Boy Abunda.
Kasama siya sa all-star cast ng pelikula na official entry sa 51st Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa sa Disyembre 25, 2025.
Ang Evil Origins ang pang-anim na Shake, Rattle & Roll movie ni Manilyn.
Pero ang Shake, Rattle & Roll 2 na kalahok sa Metro Manila Film Festival 1990 ang hindi raw niya malilimutan.
Sa set daw ng "Aswang" episode ng Shake, Rattle & Roll nagsimula ang relasyon nila ng kanyang asawa na si Aljon Jimenez.
Read: Robin Padilla reacts to Aljur Abrenica fathering 3 kids with AJ Raval

Lahad niya: “Nagkikita kami sa That’s Entertainment kasi Monday group siya [Aljon], Tuesday ako.
"Pero kapag Saturdays, nagkikita kaming lahat, hindi naman kami nagtitinginan.
“Nung itinawag na ang Shake, Rattle & Roll II, ang partner ko, siya.
"Nung nagsu-shoot kami, alam ninyo naman ako, napakahilig kong magkuwento, kahit wall kinakausap ko.
“Si Aljon talaga, hindi maimik yan. Parang nagmamasid, very observant.
"Tumatawa na lahat sa kuwento ko, sa jokes ko, pero siya… challenge di ba, hindi tumatawa.
“May isang scene, nandoon si Tito Rez Cortez. So, ang laki ng iilawan sa UP.
"Sabi nina Tito Peque Gallaga at Tito Lore Reyes, ‘Huwag nang bumaba ng sasakyan please’ para wala nang tawagan pa dahil importanteng matapos ang eksena.
“Siyempre super behave ka naman, di ba? Baka mapagalitan kami ng dalawang direktor namin.
“Si Aljon ang nasa manibela, ako naman ang nandito. So hintay, hintay.
“Naku, biglang nag-holding hands kami,”
Kilig na kilig sa pagkukuwento si Manilyn, na hindi itinangging siya ang unang humawak sa kamay ni Aljon.
“Heto na…siyempre awkward, pero after noon, ano pa ang gagawin ko, di ba?
"Hindi na ako makatingin. Gusto mong humiwalay pero ayaw mo rin ihiwalay.
"After nun, nagtatawagan na kami,” pagbabalik-tanaw ni Manilyn tungkol sa pag-usbong ng pagmamahalan nila ni Aljon na biniyayaan ng tatlong anak na lalaki.
Read: Manilyn Reynes reveals finance set-up with husband Aljon Jimenez