PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Curlee at Sarah Discaya, kumpirmadong sa kulungan magpa-Pasko

President Ferdinand Marcos Jr., inanunsiyo ang pag-aresto sa Discaya couple.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2025
curlee and sarah discaya christmas
Contractors Curlee and Sarah Discaya received two major blows on Friday, December 5, 2025: the Pasig LGU ordered the closure of their construction firm, St. Gerrard Construction, and they now face possible arrest over an alleged ghost project in Davao.
PHOTO/S: YouTube

Mangyayari na ang mga salitang binitiwan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ilang linggo na ang nakararaan — magpa-Pasko sa kulungan ang mga sangkot sa maanomalyang flood control at infrastructure projects.

Mismong si President Ferdinand Marcos Jr. ang nag-anunsiyo ng pag-aresto sa mga sangkot sa anomalya sa kanyang talumpati ngayong Biyernes, Disyembre 5, 2025.

Ang nakatakdang pag-aresto sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya ang parang teleserye na inaabangan at tinututukan ng maraming mamamayang Pilipino.

Read: DPWH chief: Discaya couple tiyak na sa kulungan magpa-Pasko

TWO PIECES OF BAD NEWS FOR DISCAYA COUPLE ON A FRIDAY

Dalawang mabigat na dagok sa buhay ang natanggap nina Curlee at Sarah ngayong Biyernes.

Una, ang pagpapasara ng local government unit ng Pasig City sa St. Gerrard Construction at sa walong ibang kompanya na pag-aari ng Discaya couple.

Ito ay dahil sa hindi nila pagbabayad ng buwis na nagkakahalaga ng PHP1.1 billion at ang kawalan nila ng occupancy permit at license to operate mula sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa, ang pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng criminal case laban sa mag-asawa dahil sa paglabag nila sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sinampahan ng kaso sina Curlee at Sarah dahil sa diumano’y ghost infrastructure project nila sa Davao Occidental na nagkakahalaga ng PHP96.5 million.

Napatunayan ng Office of the Ombudsman na may mga sapat na dahilan para idemanda ang mga Discaya, pati na ang DPWH engineers na pinaghihinalaang nakipagsabwatan sa isa’t isa para makuha ang pondo para sa proyekto kahit hindi ito natapos o nakumpleto.

Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead

PRESIDENT MARCOS JR. PROMISES MORE ARRESTS

Inanunsiyo ni Pangulong Marcos sa publiko nitong Biyernes na marami pa siyang ipakukulong at tiniyak niyang marami ang magpa-Pasko sa kulungan.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Ngayong araw, nais kong ilahad sa inyo ang mga natuklasan ng Office of the Ombudsman kaugnay sa reklamo ng DPWH ukol sa isang flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ito ay may halagang halos PHP100 million at ipinagkaloob noong 13 January 2022 sa St. Timothy Construction Corporation.

“Ayon sa imbestigasyon, ang proyektong ito na sinasabing natapos noong 2022 ay hindi kailanman nasimulan.

“Sa inspeksiyon ng CIDG noong 25 September 2025, natukoy na walang anumang konstruksiyon sa lugar na iyon.

"Kinumpirma ng indigenous people at barangay official sa kanilang joint affidavit na walang naganap na implementasyon ng proyekto.

“Natuklasan ng Ombudsman na yung mga isinumiteng final billing, certificate of completion, at inspection reports ay palsipikado o hindi tumutugma sa aktuwal na kalagayan ng proyekto.

“May mga private at public na indibidwal na pinangalanan sa reklamo na kinabibilangan—sa St.Timothy, si Cezarah Rowena Discaya.”

Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde

Pagpapatuloy ni Marcos: “Nagrekomenda na ang Ombudsman na magsampa ng kaso para sa malversation through falsification at paglabag sa R.A. 301 Section 3E.

“Ang malversation ay non-bailable. Mabigat ito dahil hindi nila mababayaran ang kanilang paglaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag naisampa na ang mga kasong ito sa korte, ang susunod na hakbang ng judiciary ay ang paglabas ng arrest warrant para sa mga pinangalanang indibidwal.

“I have directed the DILG and PNP to ensure that they know the whereabouts of the Discayas at ng iba pa para paglabas ng arrest warrant ay maaresto na sila agad.

"Umpisa pa lang ito. Marami pa tayong ipapakulong at marami pang magpa-Pasko sa kulungan."

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contractors Curlee and Sarah Discaya received two major blows on Friday, December 5, 2025: the Pasig LGU ordered the closure of their construction firm, St. Gerrard Construction, and they now face possible arrest over an alleged ghost project in Davao.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results