PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, nakilala ang "bagong" kapatid sa ama na maraming anak

Ama ng aktres, kinilala agad ang lalaking nagpakilalang anak niya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2025
blind item kapatid sa ama
PHOTO/S: Canva

Masaya pero halata ang pagkagulat sa mukha ng isang aktres nang ikuwento nito sa Cabinet Files na nakilala niya ang kanyang “bagong” kapatid na lalaking may edad na 20.

“Bago” dahil noon lamang nakaharap ng aktres ang lalaking nagpakilala bilang kapatid niya sa ama.

Sa kabila nito, hindi nagkaroon ng pagdududa ang aktres dahil magkamukha sila ng lalaking nagpakilala sa kanya.

Nagtagpo ang estranged siblings dahil inabangan ng kapatid na lalaki ang pagdating ng aktres sa gate ng isang TV station.

Kasama ng aktres ang kanyang ama na isa ring showbiz personality.

Nabigla rin ang ama dahil hindi nito inaasahan ang sorpresang naghihintay sa kanila.

Read: Kim Chiu sues sister Lakam for qualified theft

NO DRAMA

Pero walang drama na nangyari dahil nang sabihin ng lalaki sa tatay ng aktres na mag-ama sila, maluwag sa kalooban na tinanggap siya ng kanyang estranged father.

Bukod sa magkahawig sila, tinanong ng ama ng aktres sa nagpakilalang anak niya ang pangalan ng nanay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sabihin ng lalaki ang pangalan ng kanyang ina, kinilala agad siya ng ama ng aktres bilang isa sa mga anak niya.

Nabigla man sa nasaksihang eksena ang aktres, nakaramdam ito ng kaligayahan dahil sa pagtatagpo nila ng kapatid niya.

Walang anumang tampo ang aktres sa kanyang ama dahil bukod sa mapagmahal, responsable itong tatay sa kanilang magkakapatid.

Tanggap ng aktres na maraming babaeng nakarelasyon ang kanyang ama, pero hindi ito naging pabaya sa mga anak niya.

Napangiti naman ang ama ng aktres nang hingin ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon tungkol sa biglang paglitaw ng anak niya.

Sinabi ng ama ng aktres na walang dahilan para magduda siya dahil magkamukha nga sila at kilala niya ang ina ng bata.

Read: Dennis Trillo wins best actor at 2025 Asian Academy Creative Awards

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results