PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meghan Markle, nag-reach out sa ama na sumailalim sa amputation

Thomas Markle Sr., sumailalim sa surgery para putulin ang kaliwang binti.
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2025
meghan and thomas markle sr.
Meghan Markle, Duchess of Sussex, has reportedly reached out to her estranged father, Thomas Markle Sr., after he underwent a “life-saving surgery” to amputate his leg.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Nakipag-ugnayan na ang Duchess of Sussex na si Meghan Markle sa kanyang ama, ang dating Hollywood lighting director na si Thomas Markle Sr., 81, ayon sa ulat ng mga pahayagan sa Great Britain.

Naninirahan si Thomas Sr. at ang anak nitong si Thomas Jr. sa Cebu City mula pa noong Enero 2025 kaya madalas na nababanggit ang Pilipinas kapag may mga isyu tungkol sa kanila.

Noong Miyerkules, Disyembre 3, 2025, sumailalim si Thomas Sr. sa tatlong oras na "life-saving surgery" sa isang ospital sa Cebu City para putulin ang kanyang kaliwang binti na nangingitim na dahil hindi na dinadaluyan ng dugo.

Ang opisyal na tagapagsalita ni Meghan ang nagkumpirmang nakipag-ugnayan na ang Duchess of Sussex sa kanyang ama, na hindi niya kinakausap at nakikita buhat nang magpakasal sila ni Prince Harry noong Mayo 2018.

Nalaman umano ni Meghan ang kalagayan ng kalusugan ng ama nito dahil sa mga balitang nakarating sa kanya kaya inutusan niya ang kanyang mga tauhan na alamin ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: JM Ibarra and Fyang Smith: Built to Take On Showbiz

THOMAS SR. UNDERGOES AMPUTATION

Sa panayam ng Daily Mail kay Thomas Jr., sinabi niyang naging matapang ang kanyang ama nang isugod ito sa isang ospital sa Cebu City.

Lahad niya: “My dad is being very brave. His foot turned blue and then black. It happened very quickly.

“I took him to a local hospital and they did some scans and an ultrasound and said the leg had to be amputated.

“There was no option. I was told the leg had to be removed and it was a case of life or death.

“One of his doctors said the next two or three days are critical. His left leg has been removed below the knee. They were worried about infection setting in — sepsis or gangrene. The flesh was black and dying.”

THE STAGED PHOTOS

Pinili ni Thomas Sr. na manirahan sa Pilipinas dahil sa kagustuhan umanong magkaroon ng panibagong pamumuhay at makalayo sa sakit na dulot ng nasirang relasyon nila ni Meghan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tanging hiling daw ni Thomas Sr. bago siya bawian ng buhay ay ang makita at makilala nang personal ang mga apo niya kina Meghan at Prince Harry.

Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-ama dahil bago sila ikinasal ni Prince Harry, natuklasan ni Meghan na pumayag si Thomas Sr. na magpanggap para sa isang paparazzo kapalit ng pera.

Ipinakita sa staged photos o pagpapanggap na larawan ang pagsusukat ni Thomas Sr. ng damit na gagamitin niya para sa pag-iisang dibdib nina Meghan at Prince Harry.

Inamin ni Samantha, ang kapatid ni Meghan sa ama, na siya ang may kagagawan sa staged photos. Pero itinanggi niyang may kinalaman ang pera sa pagpapanggap na ginawa nila.

Hindi dumalo si Thomas Sr. sa kasal ng kanyang anak.

Nang magkaroon siya ng atake sa puso, ipinagtapat niyang galit na galit si Meghan dahil sa staged photos na lumabas.

Read: Meghan Markle's dad "struggles" in Cebu despite premium living

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meghan Markle, Duchess of Sussex, has reportedly reached out to her estranged father, Thomas Markle Sr., after he underwent a “life-saving surgery” to amputate his leg.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results