PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male news personality na sangkot sa harassment, nag-resign na

Male news personality, hanggang sa katapusan na lang ng 2025 sa TV network.
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2025
blind item male news personality
PHOTO/S: Canva

Trigger Warning: Sexual harassment

Nagbitiw na sa tungkulin ang male news personality pero mananatili pa rin siya hanggang sa katapusan ng taon sa TV network na kanyang pinaglilingkuran.

Pinaniniwalaang may kinalaman ang pagbibitiw ng male news personality sa trabaho ang reklamong sexual harassment laban sa kanya ng isang kasamahan niya.

Nangyari ang “pangangagat” ng male news personality sa female complainant noong Abril 2025.

Tinanong din niya ang katrabahong babae, na meron nang asawa, kung naranasan na nitong “mag-cheat” habang pinipilit hawakan ang kamay ng nagrereklamo.

Nagdulot ng trauma sa complainant ang ginawa ng male news personality — na naging mapangahas dahil sa kalasingan — sa insidenteng naganap sa ibang lugar at hindi sa TV network na kanilang pinagsisilbihan.

Hindi nagkulang ang company management na agad na gumawa ng aksyon nang makarating sa kanila ang reklamo ng sexual harassment victim.

Read: Male news personality, inakusahan ng sexual harassment ng katrabaho

FROM HERO TO ZERO

Pansamantalang nawala sa social media ang male news personality nang kumalat ang balita tungkol sa naging trato niya sa kanyang katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ilang araw bago natanggap ng Cabinet Files ang impormasyon tungkol sa resignation ng male news personality, muli itong naging aktibo sa social media.

Nananatiling tahimik ang complainant at ang male news personality tungkol sa kontrobersiya na kanilang kinasasangkutan.

Napag-uusapan ito dahil ang mga tao sa paligid nila ang mga nagsasalita.

Nalaman ng Cabinet Files ang kumpirmadong balita ng pagbibitiw ng male news personality — na minsan nang naging "toast of the town" — mula sa isang malapit na kaibigan niyang alam ang puno’t dulo ng kuwento.

Dahil sa insidenteng ito ay biglang nagbago ang takbo ng dating tahimik na buhay ng male news personality.

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results