Isang hapunan para sa ika-49 kaarawan ni Derek Ramsay ang nangyari noong Linggo, Disyembre 7, 2025.
Ginanap ang birthday celebration ni Derek sa bahay ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.
Si Chavit at ang chemist na si Pinky Tobiano ang organizers ng birthday dinner para kay Derek.
Dinaluhan ito ng mga magulang niya na sina Derek Sr. at Remedios Ramsay, at ng kanyang malalapit na kaibigan.
Naging emosyunal si Derek nang magbigay siya ng mensahe sa mga dumalo sa kanyang intimate birthday celebration.
“Just imagine if God takes away someone that you never thought you could lose...
"Imagine what He can give you. So, He’s giving me all of you.
"So, thank you very much for being here and helping me,” gumaralgal ang boses na mensahe ni Derek.
Nakunan ng video ang madamdaming eksena.
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
DEREK'S DAUGHTER WITH ELLEN
Hindi man direktang tinukoy ni Derek ang pinanggalingan ng kanyang mensahe, ito ang unang pagkakataong nagsalita ang aktor tungkol sa nagwakas na relasyon nila ng kanyang asawa na si Ellen Adarna.
Ikinasal sina Derek at Ellen sa Bagac, Bataan, noong Nobyembre 11, 2021.
Ibinahagi ni Derek sa Instagram ang mga video at larawan ng mga kaganapan sa birthday dinner.
Mas naging makabuluhan ito dahil sa pagdating ni Liana, ang anak nila ni Ellen.
Kapansin-pansin din ang suot ni Derek na hoodie sweater na may tatak na “Love my Baby Liana.”
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
