Tiyak na ikalulungkot ng mga tagahanga ng FPJ's Batang Quiapo ang balitang hanggang sa Enero 2, 2026 na lamang mapapanood ang kanilang paborito at sinusubaybayang action-drama series.
Natutunghayan ang Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa Pebrero o Marso 2026 pa inaasahang magwawakas ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pero ayon sa isang insider, mapapaaga ang pagwawakas ng Batang Quiapo kaya may mga karakter na isa-isa nang nagpapaalam.
Nagsimulang umere ang Batang Quiapo sa telebisyon noong Pebrero 13, 2023.
Read: Pagkalas ng TV5 sa ABS-CBN, paano makakaapekto sa GMA-7?
TV5 TERMINATES CONTENT PARTNERSHIP WITH ABS-CBN
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga kinauukulan tungkol sa napipintong biglaang pagpapaalam sa telebisyon ng Batang Quiapo.
Pero pinaghihinalaang may kinalaman dito ang malaking isyu sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.
Noong Disyembre 4, 2025, kinumpirma ng pamunuan ng ABS-CBN na natanggap nila mula sa TV5 ang notice of termination para sa kanilang TV Content Supply Agreement dahil sa mga utang na hindi nababayaran.
Itinanggi ng ABS-CBN ang akusasyong sinadya nilang ipagpaliban ang pagbabayad sa TV5.
Bahagi ng nakasaad sa kanilang pahayag: “There is no truth to any insinuation that ABS-CBN willfully delayed payment.
"Such characterizations fail to acknowledge the severe financial constraints imposed on us through circumstances beyond our control.
“The franchise loss significantly reduced ABS-CBN's revenues, causing the company to sustain losses for the first time since its return after Martial Law.
"This was not a matter of choice or mismanagement, but a direct result of regulatory action that stripped away our primary revenue source.
"While some revenue streams have since recovered, ABS-CBN continues to operate at a loss as we work to rebuild.”
Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership
Nagkaroon man ng lamat ang relasyon ng ABS-CBN at TV5, may mga espekulasyong magkakaroon ng mga proyekto si Coco sa kompanya ni Manny V. Pangilinan dahil sa kanilang pagpupulong na naganap noong Oktubre 23, 2025.
Nangyari ang pag-uusap nina Coco at Pangilinan bago pa ipinadala ng TV5 sa ABS-CBN ang notice of termination para sa TV Content Supply Agreement nila.
Read: Coco Martin, kumalas na sa kanyang longtime talent manager