Ang Elisa: Batang Kabit ang unang proyekto ni James Blanco para sa Viva Movie Box, ang microdrama platform ng Viva Communications.
Pero nang una niyang matanggap ang alok, nagkamali siya ng akala na isang VMX movie ang kanyang gagawin.
Ang VMX (dating Vivamax) ay ang streaming service na nagpapalabas ng sexy movies.
“Nagulat ako, akala ko for Vivamax. Sabi ko, 'Hindi po ako gumagawa ng sexy movies. Hindi po ako nagbo-bold.'
“Yung mga topless photo ko sa gym na ipino-post ko sa Instagram, para makita lang na kahit papaano, nasa kundisyon ako!” natatawang kuwento ni James sa Cabinet Files.
Read: Batang Quiapo ni Coco Martin, hanggang January 2, 2026 na lang?
View this post on Instagram
JAMES BLANCO ON KISSING SCENES
Binanggit din ni James na hindi ito nakikipaghalikan sa mga proyekto niya para sa pelikula at drama series.
Bukod kasi sa Christian na siya, lumalaki na raw ang kanyang bunsong anak na babae.
Saad niya: “Saka umiiwas ako sa mga kissing scene. Hindi rin ako nakikipag-kissing, kasi yung bunsong anak ko na babae, lumalaki na.
"Saka simula nung naging Christian ako, hangga’t maaari, iniwasan ko. Kung kaya namang dayain, nadadaya naman lalo na sa TV.
“Kung pumapayag yung direktor, nadadaya naman, so umiiwas lang talaga ako sa kissing scene.”
Sa kabila nito, pumayag si James na makipaghalikan sa dating child star na si Abby Bautista sa Elisa: Batang Kabit dahil hindi raw malaswa ang eksena nila.
“Pumayag ako dahil si Abby, naging anak ko dati sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya," pagtukoy niya sa "Seashells" episode ng MMK na ipinalabas sa ABS-CBN noong Marso 8, 2014.
“Saka first time ni Abby na gumawa ng kissing scene. Hindi rin naman siya nagpapaseksi.
"Kaya sinabi ko na, ‘O sige, ganito lang ang kissing scene na makakaya kong gawin. Smack lang, hindi seksi.”
Read: Paolo Valenciano to Rico Blanco: "We’re simply not meant to work together again."
MICRODRAMA SERIES
Aminado si James na noong una ay wala siyang alam tungkol sa microdrama o vertical series.
Lahad niya: “Nang sabihin sa akin na pang-vertical ang project, sabi ko hindi ko alam yon. Nung in-explain sa akin, 'Ah, yes.'
“Karamihan sa mga nakikita ko, Chinese series, laging bitin ang kuwento.
“Tatlong araw ang taping days namin para sa six episodes ng Elisa.
"Yung una, sa Tanay ang location, then yung second at third day, sa Bulacan.
“Hindi ito katulad ng ordinaryong taping na may mga wide shot. Sa vertical, puro tight at medium shots dahil mapapanood nga sa phone. Wala yung mga establishing wide shots.
“Tapos same talent fee. Maganda ang talent fee na ibinigay sa akin.”
Si James ang ama ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Iñigo Jose.
Read: Male news personality na sangkot sa harassment, nag-resign na