Napagtuunan ng pansin ang bit player na si Chelsea Ylore dahil sa pahayag nitong malaki ang tip na ibinigay sa kanya ng isang senador.
Hindi pinangalanan ni Chelsea ang senador na tinutukoy niya, pero kinalaunan ay lumitaw ang pangalan ni Senator Raffy Tulfo base sa mga clue na sinabi niya sa isang podcast.
Read: Mon Tulfo defends brother Senator Raffy Tulfo amid indecent proposal allegation
Biglang umingay ang pangalan ng 21-year-old aspiring sexy star dahil nakatulong din ang pagpapakilala sa kanya na "Vivamax star" siya.

Pero hindi pa siya maituturing na Vivamax star dahil maliit lamang ang partisipasyon niya sa VMX sex comedy movie na Kapag Tumayo ang Testigo (Kay Susan Tayo) na pinagbidahan ni Nico Locco.
Nagmula ang pamagat sa isang palasak na biro noon na may sexual connotation kapag sinabi ng isang may kapansanan sa pagsasalita.

Napag-alaman ng Cabinet Files na dating car show model si Chelsea bago siya nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng bit roles sa ilang VMX movies.
Diumano, malaki rin ang ipinagbago ng physical appearance ni Chelsea mula nang mabigyan siya ng maliliit na papel sa pelikula, at mapapansin ito sa kanyang then-and-now pictures.
Read: Rico Blanco, hindi umano agad nasabihan sa last-minute changes sa musicfest

DIREK ROMAN PEREZ JR. ON CHELSEA YLORE'S CONTROVERSIAL REVELATION
Pinagpistahan nang husto ang mga nagpapakontrobersiyal na pahayag ni Chelsea tungkol sa senador.
Hindi ito ikinatuwa ng direktor na si Roman Perez Jr. na nadismaya dahil ginagamit umano ang Vivamax para magkaroon ng premium ang mga baguhang sexy star kahit wala pa itong napapatunayan.
Resident director si Direk Roman ng Vivamax na pinahahalagahan at pinoprotektahan niya.
Nakausap ng Cabinet Files si Direk Roman nitong Martes, Disyembre 9, 2025.
Nagbigay siya ng saloobin tungkol sa panggagamit sa Vivamax ng aspiring sexy stars na nangangarap mapansin kaya ginagawa ang lahat para mapag-usapan, at maging sa mga balita.
Saad ng direktor: “Napapansin ko every time na merong tragedy, eksena, abuse, laging nata-tag na 'Vivamax star.'
"May namatay, 'Vivamax star.' Merong indecent proposal, 'Vivamax star.'
“Palaging nata-tag yung community sa bad connotations.
"Sa akin lang, hindi naman siya star [Chelsea]. Not even VMX A-lister o talent.
"Nagba-branding lang sila para tumaas yung premium nila na mahal sila."
Alam na alam daw ni Direk Roman ang kalakaran at “gimmick” ng mga baguhang artista.
“Kapag ginagamit nila ang Vivamax, dumodoble ang presyo nila.
"Ginagamit ang Vivamax as a marketing ploy kaya lalo itong nadadamay sa mga kontrobersiya, lalong naaapi, lalong naba-bash.
“And again, she’s not even a Vivamax actress.
"Kahit isang Vivamax movie, hindi siya naging lead star. Kaya medyo weird yung scheme at headline na ginagamit ng mga tao na Vivamax star siya.”
Read: Male news personality na sangkot sa sexual harassment, nag-resign sa trabaho
ON GINA LIMA'S DEATH
Binanggit din ni Direk Roman ang kaso ng namatay na freelance model na si Gina Lima.
“Katulad nung namatay na model, she’s a model. Nag-extra siya sa isang comedy show ng Vivamax, pero nag-extra lang siya.
"Hindi siya Vivamax star pero na-tag o nadamay ang Vivamax," sabi niya.
Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?
Pagpapatuloy ni Direk Roman tungkol kay Chelsea: “Ngayon, ganoon din, nagsalita siya sa isang podcast. Na-book daw siya ng isang senador.
"Okay lang naman na nagsabi siya na binu-book siya, pero again, bakit kailangan ma-drag ang Vivamax?
“Sa akin lang, as a creator, huwag nang idamay ang Vivamax sa clout na gusto nila.”