Umiyak si Candy Pangilinan nang mapanood nito ang official trailer ng Philippine adaptation ng South Korean movie na A Werewolf Boy sa kauna-unahang pagkakataon.
Napaiyak si Candy nang maapektuhan ito sa mga eksena nina Rabin Angeles at Angela Muji, na lalong naging madamdamin dahil sa paggamit sa 1992 hit song ni Ogie Alcasid na "Mahal Kita Walang Iba" bilang soundtrack ng pelikula.
Si Angela ang pinakanta sa cover version ng "Mahal Kita Walang Iba."
Read: Paolo Valenciano to Rico Blanco: "We’re simply not meant to work together again."

CANDY PANGILINAN ON RABGEL LOVETEAM
Ang A Werewolf Boy ang launching movie ng RabGel loveteam, at ito rin ang unang pagkakataonng nakatrabaho nila si Candy.
“Honestly, nagulat po ako, they can act. They could really act,” sabi ni Candy tungkol sa natuklasan niya kina Angela at Rabin.
Pinuri rin ni Candy ang husay ni Crisanto Aquino bilang direktor ng A Werewolf Boy.
Aniya: “First time ko siya nakatrabaho. Ang sarap niyang katrabaho.
"Hindi ko na kailangan masyadong mag-isip. Alam niya yung gusto niyang gawin.
“Yung pagpunta mo sa set, you just have to do your job. Alam nila kung ano yung trabaho nila.
"Kumbaga, everybody knows their assignment. Kaya pagdating sa set, go, kasi job well done.”
Read: Lakam Chiu, VIP client umano sa isang sikat na casino
CHALLENGES IN SHOOTING A WEREWOLF BOY
Naging matapat naman si Direk Crisanto nang ibahagi nito ang mga hamon na pinagdaanan niya sa lock-in shoot ng kanilang pelikula sa Taal, Batangas.
Inilahad ng direktor ang mga pagbabagong ginawa niya para maging Pilipinong-Pilipino ang kuwento ng A Werewolf Boy.
“Ang unang challenge, paano ko ba siya ikukuwento na kuwentong Pilipino?
“Kapag kasi pinanood mo yung original, it’s very Korean. It’s heavy on comedy.
"So, kailangan ko siyang i-adjust sa Filipino culture at kailangan ko siyang gawin rom-com because I’m working with a loveteam.
"So, that’s the first challenge na, I think, nagawa natin.
“Secondly, more on shooting yung challenge, kasi lahat kami out of town.
"Saka this is my fifth film na nagdirek ako ng may stunts, heavy prosthetics.
"Basically, yung nature ng buong pelikula is challenge on my part as a director," saad niya.
Binago rin daw ni Direk Crisanto ang katapusan ng kuwento ng A Werewolf Boy.
Aniya, "Hindi ko puwedeng ikuwento yung ending pero, definitely, ibang-iba yung ending sa original. Kailangan namin baguhin for the Filipino audience.”
Mapapanood ang A Werewolf Boy sa mga sinehan simula sa Enero 14, 2026.
Read: Male news personality na sangkot sa sexual harassment, nag-resign sa trabaho