Makalipas ang matagal na panahon, muling nasilayan nang personal ng entertainment press si Zoey Taberna, ang panganay na anak ng mag-asawang Anthony "Ka Tunying" at Rossel Taberna.
Nangyari ito sa thanksgiving party ng Taberna Group of Companies na idinaos sa isang events place sa Quezon City nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 10, 2025.
Twelve years old si Zoey nang ipagtapat nito sa publiko, noong Disyembre 2020, ang pagkakaroon niya ng leukemia.
Pero malusog na malusog na siya ngayon at hindi mababakas sa kanyang hitsura ang mga pagsubok sa kalusugan na pinagdaanan.
Read: Zoey Taberna opens up about battle with leukemia at a very young age
Kinumusta ng Cabinet Files kay Rossel ang kasalukuyang kalagayan ni Zoey.
Sagot niya: “Ang haba na po uli ng hair niya. She’s fully recovered. She is back in school...
“Lahat ng ito po, bonus na lang, yung nabuhay po yung anak namin, nabigyan ng another chance in life.
"She’s 17, magde-debut na po next year.
"Thankful lang po kami so kahit na ano pa po ang pinagdaanan nating pagsubok, dun tayo sa pagiging thankful.”
Read: Anthony Taberna, malaki ang pasasalamat na cancer-free na ang anak na si Zoey

ZOEY TABERNA, THE FUTURE OF THEIR COMPANY
Ipinakilala si Zoey bilang "future ng Taberna Group of Companies."
Nang bigyan ng pagkakataong magsalita, sinabi niya: “Before I was even born, the beginning of the Taberna Group of Companies has already started. So to see everybody here shows how much the company has grown over the years.
"And I am so glad po kasi this is actually the first time that I was able to attend an event with my parents’ partners.
“In the near future, since I’m gonna be in college next year and my sister’s a year younger than me, that we begin to join our family and our parents in leading the company, I hope that each and every one of you stay with us in partnership so that we can continue to grow together.”
Read: Eric Quizon reveals how sister Nicole waived 50% inheritance of Dolphy's estate