PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PA ni Jinkee, umalma sa mga akusasyon laban sa Pacquiao couple

PA ni Jinkee, pinabulaanan ang mga akusasyon laban sa Pacquiao couple
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2025
manny jinkee eman pacquiao
A personal assistant of Jinkee Pacquiao speaks up about allegations that the Pacquiao couple is not giving financial support to Manny's son, Eman Bacosa (inset). "Kung sa iba nga tumutulong sila. Hindi naman siguro kailangan pa na ipa-social media kung anuman ang naitulong nila Sir Manny at Madam Jinkee kay Eman," says Malou Masangkay.
PHOTO/S: Instagram

Mula nang maging “public property” si Eman Bacosa, nagkaroon ng mga paratang na hindi siya tinutulungan ng kanyang ama, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, at stepmother na si Jinkee Pacquiao.

Marami ang interesadong malaman ang reaksiyon ng Pacquiao couple, pero nananatili silang tahimik tungkol sa mga isyu.

Kaya patuloy na nadaragdagan ang espekulasyong may kinalaman sa tunay na relasyon nina Jinkee at Manny kay Eman, ang 21-anyos na anak ng Pambansang Kamao sa ibang babae.

Read: Manny Pacquiao reacts to being seen with Jinkee at Eman's match

JINKEE'S PERSONAL ASSISTANT DEFENDS PACQUIAO COUPLE

Si Malou Masangkay ang isa sa mga personal assistant ni Jinkee.

Siya ang madalas nagbibigay ng mga update sa activities ng Pacquiao family sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Kamakailan lamang, hindi napigilan ni Malou na magsalita bilang pagtatanggol sa Pacquiao couple.

Ayon kay Malou, saksi siya sa kabutihan nina Jinkee at Manny kay Eman kaya nakiusap ito sa publiko na huwag akusahan ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ibang tao nga raw ay natutulungan ng mag-asawa, si Eman pa kaya na sariling dugo ni Manny?

Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by Manny

Ito ang kabuuan ng unedited Facebook post ni Malou bilang depensa kina Manny at Jinkee:

"Ako talaga isa ako na maka witness kasi P.A ako ni madam for how many years

"Kong tulong Ang pag uusapan subra subra Ang tulong ni sir manny at madam Jinkee Kay Emman

"piano shopping ni sir manny c kasama ng kapatid ni emman halos halos sila nag shopping damait sapatos Kong Anong gusto ni emman

"isa ako sa magpa ttoo na Kong tulong lang pag usapan kahit kailan di pinabayaan ni sir manny Ang anak niyan c emman

"sana nmn po wag po kayu mang husga or husgahan man sila alam ko na nakapabait ng mag asawa

"Kong sa iba nga tumulong sila di nmn cgro Kailangan pa na ipa social media Kong Ano man Ang naitulong Nila sir manny at madam Jinkee Kay emman,"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May sariling mensahe rin si Malou para kay Eman (published as is): "Kay Emman, ikaw nmn sana Emman alam mo sa sarili mo kong gaano ka kamahal ng daddy mo! Mahal na mahal ka ng daddy mo, alam mo yan!”

Read: Vicki Belo, Hayden Kho spoil Eman Bacosa with new training gear

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa namang maikling panayam ng PEP Troika kay Jinkee ay ipinahiwatig nitong may mga materyal na bagay, gaya ng apartment at luxury watch, at pinansiyal na tulong na ibinigay si Manny sa anak nito kay Joanna Bacosa.

Ngunit hindi na nila ito isinasapubliko dahil isa itong pribadong bagay.

Read: Eman Bacosa, binigyan ng apartment at luxury watch ni Manny

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A personal assistant of Jinkee Pacquiao speaks up about allegations that the Pacquiao couple is not giving financial support to Manny's son, Eman Bacosa (inset). "Kung sa iba nga tumutulong sila. Hindi naman siguro kailangan pa na ipa-social media kung anuman ang naitulong nila Sir Manny at Madam Jinkee kay Eman," says Malou Masangkay.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results