Tatlong lalaki at isang babae na pawang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) ang mga anak nina Sarah at Curlee Discaya.
Ang kalagayan ng apat ang labis na ipinag-aalala ng mag-asawang contractors kung sakaling makulong sila dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga anomalya sa flood control at infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Si Sarah ay kasalukuyang nasa tanggapan ng National Bureau of Investigation matapos niyang mag-voluntary surrender, bago pa man siya isyuhan ng arrest warrant, noong Disyembre 9, 2025.
Ang mister naman niyang si Curlee ay nananatili sa kustodiya ng Senate of the Philippines dahil sa contempt mula pa noong Setyembre 18, 2025.
Read: Sarah Discaya surrenders to NBI amid looming arrest warrant
SARAH DISCAYA ON HER FOUR CHILDREN WITH ADHD
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, lumuluhang ibinahagi ni Sarah Discaya ang takot na nararamdaman sa malaking posibilidad na pagkakabilanggo nila ni Curlee.
Naluluhang pahayag ni Sarah: “You don’t just think of, 'Ay, hindi ako makukulong kasi nadamay lang ako.'
"Iniisip ko, long-term din, baka mamaya talagang makulong talaga ako.
“Ayoko sana kasi, as everyone knows, my kids, they all have ADHD.
"Husband ko, nasa Senate, tapos ako makukulong.
"Ang hirap… ang hirap."
Pagpapatuloy niya: “Hindi ko alam kung paano ang mga anak ko. Hindi ko talaga alam.
“Sobrang concern [ko] sa mga anak ko, kasi kung ano man ang ginagawa namin, para sa mga anak namin. Tapos biglang ihihiwalay ako sa mga anak ko.
“Yun yung pinakamahirap — na mahiwalay sa mga anak.”
Kapansin-pansing malaki na ang ipinayat at dumami na ang uban o mga puting buhok ni Sarah, indikasyong naapektuhan siya nang husto ng malaking pagsubok na kinahaharap ng kanyang pamilya.
Read: Curlee at Sarah Discaya, kumpirmadong sa kulungan magpa-Pasko

Kaugnay nito, nagpahayag ng kanyang reaksiyon si Assistant Ombudsman Mico Clavano sa mga salitang binitiwan ni Sarah sa panayam ng ABS-CBN News.
Saad ni Clavano: “Maliwanag ito, ang takot ni Ms. Discaya ngayon ay bunga ng mga kilos na siya mismo ang gumawa.
"Sana’y naisip niya ang kinabukasan ng milyun-milyong Pilipinong inilagay sa peligro nang ilihis ang pondo para sa mga proyektong dapat nagpoprotekta sa kanila laban sa baha.
“May karapatan siya sa due process, pero hindi puwedeng gawing palusot ang takot para takasan ang pananagutan.
"The consequences are here because the choices were hers."
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde