PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Tulfo, binuweltahan ang kapatid na si Ben Tulfo

Mon Tulfo, ipinagdasal na huwag manalo sa eleksyon si Ben Tulfo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 12, 2025
mon and ben tulfo
Mon Tulfo (left) on younger brother Ben Tulfo (right): "Ipinagdasal ko nang taimtim na huwag manalo si Ben noong nakaraang eleksyon. Salamat at dininig naman ang dasal ko. Bukod sa magiging tatlo ang Tulfo sa Senado, kapag nagkataon ay may sira-ulo pang senador."
PHOTO/S: YouTube

Ikinukumpara ng ilang netizens ang beteranong broadcaster na si Ramon "Mon" Tulfo, 79, kay Senator Imee Marcos dahil sa masasakit at mabibigat na akusasyon nito laban sa kanyang nakababatang kapatid na si Ben Tulfo, 70.

Tumanggap ng mga batikos ang senadora nang isiwalat nito sa publiko ang diumano’y pagkalulong sa paggamit ng cocaine ng kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. at ng pamilya nito.

Read: Imee Marcos reveals alleged drug use by President Bongbong Marcos

Inihahalintulad si Mon kay Senator Imee dahil sa paratang nitong "sociopath," "sira-ulo," at "may nervous breakdown" si Ben.

Hindi nagustuhan ni Mon ang pagkastigo sa kanya ni Ben dahil sa pakikisawsaw niya sa isyu na, diumano, malaki ang tip na ibinigay ng kanilang kapatid na si Senator Raffy Tulfo sa starlet na si Chelsea Ylore.

Tinawag ni Ben na "epal," "sawsawero," at "kunsintidor" ang kanyang Kuya Mon dahil sa sinabi nitong "okay lang mambabae, huwag lang manglalake" — na isang maling katwiran na ginagawa raw tama ng kanilang nakatatandang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan ni Ben si Mon na itikom ang bibig, magtanim na lang ng kamote sa bukid, magretiro na, at "gracefully grow old."

Read: Ben Tulfo reprimands brother Mon for commenting on Senator Raffy's issue

MON TULFO SLAMS BROTHER BEN TULFO

Isang araw matapos magsalita ni Ben tungkol sa kanyang bintang na pakikisawsaw ni Mon sa isyu, binuweltahan siya ng nakatatandang kapatid.

Higit na maanghang ang mga pinakawalang salita ni Mon laban kay Ben.

Ngayong Biyernes, Disyembre 12, 2025, ibinahagi ni Mon sa Facebook page nito ang kanyang mga sagot at pagmamaliit sa pagkatao ni Ben.

Kumandidatong senador si Ben sa halalan noong Mayo 2025, pero ipinagdasal umano ni Mon na huwag itong manalo.

Sa dami ng mga kamag-anak niyang tumakbo at kasalukuyang nasa puwesto, sinabi ni Mon na ayaw raw ng kanilang pamilya ang political dynasty.

Saad ni Mon: “Kung maipapasa ang anti-dynasty bill ay lalagdaan ng mga kapatid kong si Raffy at Erwin, ng aking sister-in-law na si Jocelyn, at pamangkin kong si Ralph upang maging batas ito. Ayaw namin ng political dynasty.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“In fact, ipinagdasal ko nang taimtim na huwag manalo si Ben noong nakaraang eleksyon. Salamat at dininig naman ang dasal ko.

“Bukod sa magiging tatlo ang Tulfo sa Senado, kapag nagkataon ay may sira-ulo pang senador.

“Di bale nang senador sina Bong Go, Bato dela Rosa, Lito Lapid, at Robin Padilla dahil matitino ang kanilang pag-iisip. Hindi si Ben.”

Ikinumpara rin ni Mon si Ben kay Vice-President Sara Duterte.

Pasaring pa niya sa sariling kapatid: “May sarili siyang mundo kaya di namin pinapatulan si Ben sa kanyang diatribes laban sa akin at kina Raffy at Erwin ay dahil may kapansanan siya sa pag-iisip.

“Ilang beses na namin pinapayuhan siya na magpatingin sa psychiatrist, pero nagagalit siya.

“Mas lalo kaming inaaway. Hindi daw siya loko-loko.

"Katulad siya ni Sara na ayaw umamin na siya ay loka-loka.”

Ayon pa kay Mon, nagtatapang-tapangan lamang daw si Ben dahil may mga bodyguard itong kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Bilang pinakamatandang kapatid — ako ang nagpaaral kina Ben, Erwin, at Joseph — alam ko ang pag-uugali ng isa’t isa sa aming magkakapatid.

“Bukod-tangi si Ben sa aming magkakapatid. Kahit noong bata pa yan ay may topak na. May nervous breakdown si Ben.

"Nagtatapang-tapangan lang yan. Matapang lang siya dahil may bodyguards.

“Subukan mong kasahan mo yan, atakbo siya atulin. Baka maihi pa siya sa kanyang pantalon.

“Kaya palagi siyang nagkukulong sa kanyang bahay dahil siya ay sociopath. Wala siyang makasundo.

“Kaya siya hiniwalayan ng aking sister-in-law na ubod ng ganda at matalinong doktora dahil sa kanyang pag-uugali.”

Read: Mon Tulfo defends brother Raffy amid indecent proposal allegation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa gitna ng bangayan nina Mon at Ben, kapansin-pansin naman ang pananahimik ni Senator Raffy Tulfo sa kinasasangkutan niyang isyu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Tulfo (left) on younger brother Ben Tulfo (right): "Ipinagdasal ko nang taimtim na huwag manalo si Ben noong nakaraang eleksyon. Salamat at dininig naman ang dasal ko. Bukod sa magiging tatlo ang Tulfo sa Senado, kapag nagkataon ay may sira-ulo pang senador."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results