Hindi pinalad si Cyrille Payumo ng Pilipinas na maiuwi ang korona ng Miss Charm 2025, na ginanap sa BHD Studio, Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 12, 2025.
Ang kinoronahang Miss Charm 2025 ay si Ann Blanco ng Venezuela.
First runner-up si Luisa Victoria Malz ng Germany, at second runner-up si Rinanda Maharani ng Indonesia.
Read: Miss Universe 2025 Fatima Bosch returns to Mexico without fanfare
ELUSIVE MISS CHARM CROWN
Top 20 finisher lamang si Cyrille, pero hindi bayolente ang reaksiyon ng Pinoy beauty pageant fans dahil nangibabaw ang kanilang paniniwalang hindi ang Miss Charm ang nababagay sa kagandahan at talino ng 26-year-old Filipino beauty queen.
Dapat daw nitong subukan ang kapalaran sa nakahihigit na international beauty competition.
Hindi man napanalunan ni Cyrille ang korona ay siya naman ang nanalo ng Best in National Costume.
Gaya ng mga nakaraang Miss Charm coronation night, walang masyadong improvement ang Miss Charm 2025.
Kapansin-pansin ang malikot at nakakahilong camera shots, ang amateur hosting skills ng mga host , at ang halatang-halatang lip sync performance sa swimsuit competition ng Vietnamese female singer.
Mailap sa Pilipinas ang Miss Charm crown.
Maliban kay Annabelle McDonnell na first runner-up sa 1st Miss Charm noong 2023, hindi na nasundan ang tagumpay ng bansa sa naturang patimpalak.
Read: Dayanara Torres, kinontra ang sagot ni Fatima Bosch sa visa issue sa Miss Universe