Magaganap ang story conference at script reading ng mga artista ng The Kingdom: Magkabilang Mundo, ang upcoming drama series ng MQuest Ventures at APT Studios, sa APT Studios, Cainta, Rizal, sa Martes, Disyembre 16, 2025.
Ang The Kingdom: Magkabilang Mundo ang pagpapatuloy ng kuwento ng The Kingdom, official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 na pinangunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, at Cristine Reyes.

Ang direktor ng The Kingdom na si Mike Tuviera ang nanalong MMFF 2024 best director, ka-tie si Crisanto Aquino ng My Future You.
Mananatili si Tuviera bilang direktor ng The Kingdom: Magkabilang Mundo.
Read: Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup
DEREK RAMSAY TO JOIN CAST OF THE KINGDOM?
Malalaman sa magaganap na story conference ang cast ng proyekto, pero kumpirmado nang kasama sina Cristine at Ryza Cenon.
Inanunsiyo ang partisipasyon ng dalawang aktres nang dumalo sila sa Thanksgiving Trade Event ng TV5 na idinaos sa Meralco Theater, Pasig City, noong Nobyembre 25, 2025.
May mga balitang, diumano, magiging bahagi rin ng The Kingdom: Magkabilang Mundo si Derek Ramsay.
Pero malalaman lamang ito sa mangyayaring story conference at script reading.
Kung sakaling totoo ang mga kumakalat na balita, ang The Kingdom series ang comeback project ni Derek sa telebisyon makalipas ang halos pitong taon at matapos makumpirma ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Ellen Adarna.
Huling napanood si Derek sa The Better Woman, ang primetime drama series ng GMA-7 na napanood mula Hulyo 1, 2019 hanggang Setyembre 27, 2019.
Read: Former QC Mayor Herbert Bautista acquitted in PHP25M solar project graft case