Hindi na sinusubaybayan ng aktres na si Rhian Ramos at ng businessman at TV host na si Sam Verzosa ang Instagram accounts ng isa’t isa kaya muling umingay ang balitang hiwalay na sila.
Matagal nang usap-usapang may problema sa relasyon ng dalawa.
Pero minsan nang pinabulaanan ni Sam sa Cabinet Files ang mga haka-hakang nagwakas na ang pagmamahalan nila ni Rhian.
“Ignore na lang natin mga ganyang balita. OK kami ni Rhian,” sagot ni Sam nang tanungin siya ng Cabinet Files noong Nobyembre 7, 2025 tungkol sa nasabing isyu na nagmula sa malalapit na kaibigan ng kanyang kasintahan.
Iginalang ng Cabinet Files ang pakiusap ni Sam, pero nagpatuloy ang mga espekulasyong hindi maayos ang kanilang pagsasama.
Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa, break na?
RHIAN AND SAM UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM
Ngayong Miyerkules ng gabi, Disyembre 17, 2025, napansing in-unfollow na nina Rhian at Sam ang Instagram accounts ng isa’t isa.
Pero makikita pa rin sa kanilang nakaraang posts ang mga larawan nila na magkasama.
May mga naniniwalang may problema sa relasyon ng dalawa, at ginamit na matibay na indikasyon ang pag-unfollow nila sa social media accounts ng bawat isa.

Tatlong taon na ang nakararaan mula nang aminin nina Rhian at Sam sa publiko ang kanilang relasyon noong Hulyo 2022.
Unang nangyari ang pag-unfollow nina Rhian at Sam sa Instagram accounts ng isa’t isa noong 2023.
Pero ayon sa aktres, normal lamang na nagkakaroon sila ng mga problema at hindi pagkakaunawaan.
Noong Oktubre 2025, naramdaman ng entertainment writers na tila may muling pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa dahil sa makahulugang sagot ni Sam nang tanungin ito ng Cabinet Files tungkol sa wedding plans nila ni Rhian.
"Ay… abangan na lang natin. Abangan na lang natin,” sabi ni Sam sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
“Maraming nangyayari at sabi ko nga, kung saan tayo dalhin ng tadhana, kung saan tayo dalhin ng Diyos, kung para sa atin, para sa atin yan.
“Minsan, dinadala ka ng Diyos dito. Akala mo dito ka papunta, pero sa kabila ka pala Niya gustong papuntahin.
“May better plans Siya for you so I believe in the plans of God, and yun lang ang inaantay natin.”