Hindi pa nagsasalita si Sam Verzosa tungkol sa isyu ng diumano’y hiwalayan nila ni Rhian Ramos.
Tahimik pa rin ang aktres kaya walang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanilang hidwaan.
Tanging si Rhian ang makasasagot sa kumakalat na balitang hindi lamang si Sam ang in-unfollow niya sa social media.
Kasama rin daw ang lahat ng mga taong nasa paligid nila noong maayos pa ang kanilang relasyon.
Diumano, nakatikim ng masasakit na salita mula kay Rhian ang mga taong minabuti niyang i-block sa kanyang social media.
Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa in-unfollow ang isa't isa sa Instagram
RHIAN RAMOS ABSENT AT SAM VERZOSA'S PARTY
Hindi rin namataan ang Kapuso actress sa party na ginanap sa tahanan ng businessman-TV host noong Martes, Disyembre 16, 2025.
Dahil dito, lalong lumakas ang ugong na hiwalay na sina Rhian at Sam bago pa man lumabas ang balita tungkol sa pag-unfollow nila sa Instagram accounts ng isa’t isa.
Kabilang ang bandang Parokya ni Edgar sa mga nagtanghal sa party na idinaos sa bahay ni Sam sa isang exclusive village sa Quezon City.
Ang ina ng mga anak ni Sam na si Ann Murphy at hindi si Rhian ang namataan ng mga bisita sa naganap na pagdiriwang.
Makikita sa mga social media post ng mga dumalo sa party ang mga larawan at video ng kasiyahan na nangyari noong Martes ng gabi.
Pero kinabukasan, Disyembre 17, lumitaw ang mga espekulasyong tuluyan nang humantong sa hiwalayan ang halos apat na taon na relasyon nina Sam at Rhian matapos nilang i-unfollow ang isa't isa sa Instagram.
Napansin ding wala si Rhian sa mga larawan na ibinahagi ni Sam sa Facebook page, kasama ang kanyang mga anak at ina.
Nilagyan niya ito ng caption na “Family.”
Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ Raval