Bronze medalist sa Men’s Pole Vault final competition ng Southeast Asian Games (SEA) 2025 ang Filipino-American track-and-field athlete na si Elijah Cole, 27.
Ang Thailand ang host country ng 33rd SEA Games na nag-umpisa noong Disyembre 9, 2025 at nakatakdang matapos sa Disyembre 20, 2025.
Bukod sa bronze medal na napanalunan niya at karangalang ibinigay sa Pilipinas noong Disyembre 16, napagtuunan ng pansin si Elijah dahil sa kanyang movie-star look at pangalan niyang binibigyan ng malisya.
Dahil sa pagkakakilanlan ni Elijah, nagkaroon ng interes ang Pinoy fans na malaman ang ibang mga detalye tungkol sa kanya.
Nais din nilang malaman ang katotohanan sa online information tungkol sa personal na buhay niya.
Read: ABS-CBN signs deal with ALLTV, says TV5 partnership “settled”
ELIJAH COLE: THE FUTURE OF PHILIPPINE POLE VAULT
Sa panayam kay Elijah ng One Sports, nagkuwento siya tungkol sa kanyang paghahandang ginawa para sa SEA Games 2025.
Lahad niya: “I just prepared… it was a little bit rushed but we got ready for it. I think if I had one more meet like a little rust buster, I would have been a lot better.”
Nagpasalamat si Elijah sa suportang natanggap niya mula sa kanyang pamilya at sa mga Pilipino.
“I needed you guys so bad on that last attempt. Having the support of my family, the crowd, I really needed it,” sabi ni Elijah sa pakikipag-usap sa kanya ni One Sports correspondent Alyssa Valdez.
Kabilang din sa mga pinasalamatan ni Elijah ang SEA Games 2025 gold medalist at kapwa pole vaulter na si EJ Obiena dahil sa mga nakapagpapalakas ng loob na payo na ibinigay nito sa kanya.

Mensahe ni Elijah tungkol kay EJ: "He's a superstar. Having him as a competitor... I'm lucky, very lucky.
"He's the best. He said the right things at the right time. Good encouragement, that's all I need."
Ikinatuwa ni EJ ang tagumpay ni Elijah dahil dalawa sila mula sa Pilipinas na nanalo ng medalya sa kategorya ng Men’s Pole Vault na kanilang nilahukan.
Read: Pinas, binansagang "terrorism hotspot" ng Australian news sites