May mahalagang balita si Willie Revillame tungkol sa Wilyonaryo, ang kanyang bagong game show, kaya inaanyayahan niya ang lahat na tumutok at manood sa official Facebook page at YouTube Channel ng Wowowin.
Iaanunsiyo ni Willie ang importanteng balita tungkol sa Wilyonaryo sa Biyernes, Disyembre 19, 2025, sa ganap na alas-otso ng gabi.
Read: Kylie Padilla admits feeling jealous of sons’ closeness to AJ Raval
MORE THAN php500 NOCHE BUENA GIVEAWAY
Hindi lamang ang special announcement ang dapat tutukan ng mga tagasuporta ni Willie dahil nagdesisyon itong mamahagi ng pang-Noche Buena bilang tulong sa mga Pilipinong hindi matanggap na kasya ang PHP500 para sa Noche Buena.
Tatawagan ni Willie sa telepono ang mapalad na mapipili at magpapadala ng kanilang mga pangalan, address, contact number, at mensahe sa Facebook page at YouTube channel ng Wowowin.
Bilang proteksiyon, gusto ni Willie na ipadala sa private o direct message ng social media accounts ng Wowowin ang mga personal na detalye ng mga nagnanais lumahok sa kanyang maaga na Pamasko, para hindi maka-pambiktima ng mga inosente ang mga scammer.
Sa matagal na panahon, nasanay si Willie na namimigay ng mga Pamaskong handog.
Ngayong taon, hindi raw niya matiis na hindi gawin ang nakaugaliang tradisyon at pagbabahagi ng mga biyaya na kanyang natanggap mula sa Panginoong Diyos.
Kaya kahit hindi pa nag-uumpisa ang Wilyonaryo, ipagpapatuloy ni Willie ang pamamahagi ng tulong para raw maging masaya ang Pasko at Bagong Taon ng kanyang mga tagasuporta na hinihintay ang pagbabalik niya sa telebisyon.
Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa in-unfollow ang isa't isa sa Instagram