Dinagsa ng manonood ang matagumpay na simultaneous screening at red-carpet premiere ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins na ginanap sa Cinema 11 at Cinema 16 ng Gateway 2 Mall sa Cubao, Quezon City, noong Huwebes, Disyembre 18, 2025.
Ang Regal Entertainment, Inc. ang producer ng nag-iisang horror movie na kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Disyembre 25, 2025.
Kabilang sa dumalo sa red-carpet premiere sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Ivana Alawi, Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, Kaila Estrada, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, JM Ibarra, Dustin Yu, Sassa Gurl, at Matt Lozano.
Ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang MMFF 2025 entry na may pinakamaraming bilang ng mga artista na kasali, kaya magkasabay na ipinalabas sa dalawang sinehan ang pelikula para mas marami rin ang mabigyan ng pagkakataong makapanood.
"1775," "2025," at "2050" ang pamagat ng tatlong kabanata ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller

SASSA GURL DOUBLE ENTRIES TO MMFF 2025
Natutuwa si Sassa dahil bukod sa partisipasyon niya sa "2025" episode ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, naging bahagi siya ng MMFF 2025.
Hindi makapaniwala si Sassa na darating ang panahong magkakaroon siya ng proyektong kasali sa annual film festival sa Pilipinas.
Doble ang kasiyahang nararamdaman ni Sassa dahil dalawa at hindi lamang isa ang pelikula niya sa MMFF 2025—ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at ang Bar Boys: After School.
Tiniyak ni Sassa sa Cabinet Files na sasakay siya sa mga float ng dalawa niyang pelikula sa Parade of Stars na magaganap ngayong Biyernes ng hapon, Disyembre 19, sa Makati City.
Sinabi ni Sassa sa Cabinet Files na dalawang beses siyang magpapalit ng damit para sa magkahiwalay na pagsakay niya sa mga karosa ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at Bar Boys: After School.
OTHER SRR STARS WITH DOUBLE ENTRIES
Sa mga artista ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, hindi lamang si Sassa ang may dalawang pelikulang kasali sa 51st MMFF.
Dalawa rin ang movie entries na tinatampukan ni Janice de Belen.
Sa "1775" episode ng SRR: Evil Origins ay gumanap si Janice bilang Mother Superior.
Malaki ang tsansang magkaroon ng acting nomination si Janice dahil sa kanyang ipinamalas na kahusayan sa pag-arte.
Nasa cast din ng I'mPerfect sa Janice.
Si Dustin Yu ay nasa "2050" episode ng SRR: Evil Origins, at kabilang din siya sa mga bida ng Love You So Bad, kasama sina Will Ashley at Bianca de Vera.
Read: Richard Gomez accused of "physically attacking" PH fencing chief; actor-politician speaks up