PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lumang interview ni Catalina Cabral, muling nabuhay

Cabral, si Iza Calzado ang gustong gumanap kapag isinapelikula ang buhay niya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 19, 2025
catalina cabral old interview
In a 2018 interview, former DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral shared that she wanted Iza Calzado to portray her if her life were turned into a movie, revealed that her favorite TV series was How to Get Away with Murder, and admitted her fear of heights. Cabral was found dead following an alleged fall into a ravine in Benguet on December 18, 2025.
PHOTO/S: D + C Design and Construction Magazine / DPWH Facebook

Kung isasapelikula ang kuwento ng kanyang buhay, si Iza Calzado ang gusto ni yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral na gumanap bilang siya.

Ito ang sinabi ni Cabral sa panayam ng D+C Design and Construction Magazine noong Marso 2018.

Read: Ex-DPWH Usec. Catalina Cabral found dead after alleged fall

Ang American legal-drama thriller na How To Get Away With Murder ang paborito niyang TV show, samantalang ang "I Will Survive" ang kantang gustung-gusto niya.

Sa naturang video-recorded interview, sinabi ni Cabral ang pagkakaroon nito ng phobia sa heights o matataas na lugar.

Ang kanyang telepono naman ang isa mga importanteng bagay sa bag niya.

Ipinagtapat din ni Cabral sa panayam na sensitive person siya, kaya tiyak na nakaapekto nang husto sa kanyang pagkatao ang pagkakasangkot niya sa bilyun-bilyong pisong halaga na anomalya sa infrastructure projects ng DPWH.

Sa tanong tungkol sa payo na ibibigay niya sa kanyang teenage self, "Never regret anything" ang sagot ni Cabral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You’ve done well" naman daw ang sasabihin niya sa kanyang 16-year-old self.

Read: Sarah Discaya inaresto, ililipad sa Cebu para humarap sa korte

THE TRAGiC DEATH OF MARIA CATALINA CABRAL

Pumanaw si Catalina Cabral sa edad na 63, at malagim ang paraan ng pagpanaw niya.

Nakita at nakuha ang kanyang walang buhay na katawan sa bangin ng Kennon Road, Tuba, Benguet, noong Huwebes, Disyembre 18, 2025.

Marami ang nakatutok sa isinasagawa ngayong imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Cabral.

Nang humarap si DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga miyembro ng media ngayong Biyernes, Disyembre 19, inilahad niya ang pagsailalim sa autopsy ng bangkay ni Cabral.

Pahayag ni Remulla: “She’s still undergoing autopsy and a DNA test to make sure that it’s really her.

"Baka budol-budol ito, di ba? So, naninigurado lang tayo na siya talaga iyon.

“Ang pagkamatay ng isang tao ay hindi ibig sabihin na titigil ang gulong ng hustisya. Hahabulin namin ang lahat ng nakaw-yaman, buhay o patay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Richard Gomez accused of "physically attacking" PH fencing chief; actor-politician speaks up

Samantala, binigyan ng kahulugan ang ilang pahayag ni Cabral noong nabubuhay pa ito.

Isa na rito ang sinabi niyang ang kanyang cellphone ang pinakamahalagang gamit sa bag niya.

Ito ay dahil sa panawagan ng Independent Committee on Infrastructure (ICI) sa mga awtoridad na i-secure ang telepono at ibang gadgets ng nasawi para sa "possible digital forensics examination."

Marami rin ang nagdududa sa paraan ng pagkamatay ni Cabral.

“Heights” ang phobia ni Cabral, pero namatay siya dahil sa pagkahulog mula sa isang mataas na lugar.

Kaya tila tumutugma sa mga nangyari sa kanyang buhay ang mga pahayag niya sa panayam na naganap pitong taon na ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a 2018 interview, former DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral shared that she wanted Iza Calzado to portray her if her life were turned into a movie, revealed that her favorite TV series was How to Get Away with Murder, and admitted her fear of heights. Cabral was found dead following an alleged fall into a ravine in Benguet on December 18, 2025.
PHOTO/S: D + C Design and Construction Magazine / DPWH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results