Gabi na nang makarating sa Lapu-Lapu City ang contractor na si Sarah Discaya ngayong Biyernes, Disyembre 19, 2025.
Mula sa Maynila, inilipad ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Discaya sa Cebu para pormal na iharap sa Branch 27 ng Regional Trial Court, Seventh Judicial Region sa Lapu-Lapu City.
Ang naturang korte ang naglabas ng arrest warrant para sa mga kasong isinampa laban kay Discaya na may kaugnayan sa diumano’y PHP96.5-M ghost project ng kanyang construction company sa Davao Occidental.
Ang mga kasong isinampa kay Discaya ay Violation of Section 3(e) of Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), as amended; at Malversation of Public Funds or Property under Article 217 of the Revised Penal Code, committed through Falsification of Public Documents In relation to Articles 171 and 172 of the Revised Penal Code.
Read: Sarah Discaya inaresto, ililipad sa Cebu para humarap sa korte
SARAH DISCAYA VS PHILIPPINE MEDIA
Tuluyan nang nawalay si Sarah sa apat nitong anak — na ayon sa kanya ay pawang may Attention Deficit Hyperactivity Disorder ADHD) — dahil ikukulong siya sa Lapu-Lapu City Jail, kasama ang iba pang naakusahang sangkot sa ghost projects ng Department of Public Works and Highways sa Davao Occidental.
Pero sa gitna ng mabibigat na pagsubok na kanyang kinakaharap, may kakayahan pa rin si Sarah na insultuhin ang mga miyembro ng media sa pamamagitan ng kanyang mga sarkastiko at aroganteng komento.
Read: Sarah Discaya, nangangamba para sa apat na anak na may ADHD
Inilabas ng GMA Intergrated News ang video ni Sarah habang kinukunan ng fingerprints sa tanggapan ng NBI.
Nang makita niya ang mga nakatutok na camera, sianabi siya sa mga reporter, “Halika, closer gusto mo? Halika, closer! Nahiya naman ako sa inyo!”
At sa hindi inaasahang pagkakataon, muling narinig at napanood ang thick Peppa Pig British accent ni Sarah habang binabaybay ng van na sinasakyan nito ang kalsada papunta sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa City noong Huwebes, Disyembre 18.
Lulan din ng sasakyan ang GMA Integrated News reporter na si John Consulta.
Nang mapansin siya ni Sarah, tinanong niya ang GMA reporter: “Sorry, what’s your name again? You want to know what cologne I’m wearing so you can report it as well?”
Ang matagal nang hindi naririnig na thick Peppa Pig British accent at ang inasal ni Sarah sa harap ng media ang ilan sa mga dahilan kaya muli siyang nakatikim ng mga batikos mula sa publiko.