PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actor, nagantso ng daan-daang libong piso ng booking agent

Singer-actor, itinuloy pa rin ang proyekto kahit tinakbuhan ng booking agent.
by Jojo Gabinete
Published Dec 20, 2025
blijd item singer-actor nagantso
PHOTO/S: Canva

Malungkot at dismayado ang isang singer-actor dahil daan-daang libong piso ang tinangay ng male booking agent na kanyang pinagkakatiwalaan.

Nakalaan ang perang nawala para sa proyekto ng singer-actor na pakikinabangan ng mga batang may kapansanan sa mukha.

Matinding panglulumo ang naramdaman ng singer-actor dahil hindi na nagpapakita at nakikipag-usap sa kanya ang booking agent na tinutukoy niya.

Hindi na rin matawagan ng singer-actor sa telepono ang booking agent dahil naka-block na siya, na kumpirmasyon ng malakas na duda niyang hindi na maibabalik ang pera na kanyang pinaghirapan.

Nakiusap sa Cabinet Files ang singer-actor na huwag munang banggitin ang pangalan ng mapagsamantalang tao na tahasan ang pangloloko sa kanya.

Pero nais niyang malaman ng publiko ang malungkot na pangyayari bilang babala sa lahat na huwag basta magtitiwala, lalo na kapag malaking halaga ng pera ang sangkot.

Read: Ricci Rivero, bagong manliligaw ni Juliana Gomez?

SINGER-ACTOR PUSHES THROUGH WITH HIS PROJECT

Hindi nag-iisa ang singer-actor dahil may ibang artists ng talent management agency ng TV network ang nabiktima rin ng manggagantsong booking agent, pero hindi pa sila lumalantad o nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng daan-daang libo pisong tinangay ng booking agent, ipinagpatuloy ng singer-actor ang proyekto nito para sa mga batang may kapansanan sa mukha bilang Pamaskong handog niya.

Hindi raw natiis ng singer-actor ang mga batang umasang magiging normal ang hitsura nila ngayong Pasko kaya gumawa siya ng paraan na matuloy ang naipangako niyang libreng operasyon.

Read: Ex-DPWH Usec. Catalina Cabral found dead after alleged fall

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results