PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Discaya, nag-dirty finger sa harap ng media

Sarah Discaya, puno pa rin ng yabang sa gitna ng mga kaso laban sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 20, 2025
Sarah Discaya, nag-middle finger gesture habang lulan ng sasakyan papuntang kulungan sa Lapu-Lapu City
Nadala na si Sarah Discaya sa Lapu-Lapu City Jail female dormitory (left) ngayong Sabado, December 20, 2025. Bago ito ay nakunan din si Sarah na nag-flash ng dirty finger sa press habang lulan ng sasakyan papuntang kulungan.
PHOTO/S: NBI Central Office via GMA News

Imbes na magpakumbaba, nananatiling arogante ang contractor na si Sarah Discaya.

Maraming beses na itong napatunayan mula nang akusahan siya ng pagnanakaw ng bilyun-bilyong piso mula sa pondo ng infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways.

Ngayong Sabado, Disyembre 20, 2025, nakunan si Discaya ng video habang lulan ng sasakyan na magdadala sa kanya sa female dormitory ng Lapu-Lapu City Jail na magsisilbing kulungan niya.

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng publiko ang pasimple pero mahahalata na middle-finger gesture ni Discaya.

Read: Sarah Discaya, naging sarkastiko sa media matapos arestuhin

Isang pahiwatig ito ng matinding galit na nararamdaman niya sa malaking pagbabago sa dating marangyang pamumuhay nila ng kanyang pamilya at sa pagkawala ng kapangyarihan niya na resulta ng pagkakaroon ng bilyun-bilyong perang ninakaw nila umano mula sa bayan.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpakita si Discaya ng middle finger sign.

Read: Viral selfie ng driver ni Catalina Cabral, tugma sa dashcam pic

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SARAH DISCAYA DIRTY FINGER AT DOJ

Ginawa rin niya ito noong Biyernes, Disyembre 19, nang magpunta siya sa Department of Justice para sa kaso ng tax evasion na kinasasangkutan nila ng kanyang asawa na si Pacifico Discaya III.

Habang papaalis sa DOJ at tinatanong ng mga reporter na nag-aabang sa kanya, pasimple na nag-middle finger gesture si Discaya.

May takip na tuwalya sa mukha si Discaya kaya hindi agad napansin ng mga miyembro ng media ang pambabastos na ginawa ng akusadong hindi napigilan ang kamalditahan.

Sarah Discaya pasimpleng nag-middle finger gesture sa press
Sarah Discaya pasimpleng nag-dirty finger sa press
Photo/s: CTTO
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang middle-finger gesture ni Discaya, na paulit-ulit nito na ginagawa, ang isa lamang sa maraming dahilan kaya walang nakikisimpatiya sa kanya.

Ito ay sa kabila ng mga pilit na pagpapaawa niya sa pamamagitan ng paggamit sa mga anak niyang aniya'y may ADHD.

Wala rin epekto sa mga tao ang may thick British accent na pagsasalita ni Discaya sa panayam ni John Consulta ng GMA Integrated News.

Dahil imbes na kaawaan, marami ang nayayabangan sa kanya kaya nilalait at ginagawa na lamang siya na katatawanan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadala na si Sarah Discaya sa Lapu-Lapu City Jail female dormitory (left) ngayong Sabado, December 20, 2025. Bago ito ay nakunan din si Sarah na nag-flash ng dirty finger sa press habang lulan ng sasakyan papuntang kulungan.
PHOTO/S: NBI Central Office via GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results