Ang paglabag sa Republic Act 9262 (The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) ang reklamong posibleng isampa ni Richard Gomez laban kay Philippine Fencing Association (PFA) president Rene Gacuma.
Kaugnay ito ng diumano’y "emotional bullying" na ginawa ni Gacuma sa 19-year old fencer na si Alexa Larrazabal.
Read: Richard Gomez speaks up about altercation with PH fencing chief
Si Richard, incumbent representative ng Leyte, ay PFA director at Philippine Olympic Committee (POC) vice-president.
Sa kanyang Facebook post ngayong Sabado, Disyembre 20, 2025, ibinahagi ni Richard ang saloobin niya tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan.
Lahad niya: "I will always stand and fight for our athletes. No one shall bully them especially sports officials, bata man o matanda.
"The 64-year old official Rene Gacuma bullied a 19 year old girl.
"Pwede pa yan sa VAWC? Pati allowance ni Alexa tinanggal nila."
Tingin ni Richard, mali na tinanggal si Alexa Larrazabal sa isang epee match nito sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games sa Thailand.
Wala raw basehan ang dahilan ng PFA na hindi nakumpleto ni Alexa ang requirements kabilang ang isyu sa attendance.
Katuwiran ni Richard: "Her coach giving her lessons and training in UST (a former national player and national coach) when she is in school was not considered by the PFA as part of her training.
"Alexa was training in Ormoc at the Modern Pentathlon National Center because there are more fencers training in Epee in Ormoc."
Una nang ipinaliwanag ni Gacuma na aprubado ng iba pang miyembro ng PFA ang desisyong palitan si Alexa sa isang solo match nito.
Pinaglaro naman si Alexa para sa ibang laban, bagay na kinukuwestiyon ni Richard dahil sa hindi raw umano consistent ang desisyon ng PFA.
Read: Viral selfie ng driver ni Catalina Cabral, tugma sa dashcam pic
RICHARD GOMEZ AND RENE GACUMA'S ALTERCATION
Sa sidelines ng SEA Games noong December 16, nagkaengkuwentro sina Richard at Gacuma.
Naiulat ang video kunsaan nakunan si Richard na binatukan si Gacuma nang lapitan nito ang actor-politician.
Kalaunan, inihayag ni Gacuma na inapakan umano ni Richard ang kanyang paa, at pinisil ng madiin ang kanyang hinalalaki nang magkausap sila.
Nang dalhin si Gacuma sa medical station, sinundan pa raw siya roon ni Richard, hinawakan ang kanyang panga, at muling pinagmumura.
Read: Erich Gonzales supports husband, sister-in-law at SEA Games
RENE GACUMA'S COMPLAINT
Naghain ng letter of complaint si Gacuma laban kay Richard kay Raul Canlas, chef de mission ng Philippine delegation sa SEA Games.
Balak din ni Gacuma na maghain ng reklamo laban kay Gomez dahil sa diumano’y pagmamaltrato sa kanya.
Sa kabilang banda, hindi naman itinanggi ni Richard ang pananakit at masasakit na salita niya laban kay Gacuma.
Sa eksklusibong panayam ni Cheryl Cosim para sa One Balita Pilipinas ng TV5 noong December 18, inamin ni Richard na nagalit at nainis siya sa desisyon ng ilang opisyal ng PFA na palitan si Larrazabal ni Hannie Abella sa individual women’s epee event.